Learn to say "NO".

19 3 0
                                        

Mahirap tumanggi sa isang kaibigan.

Mahirap tumanggi sa crush mo.

Mahirap tumanggi sa mahal mo.

Mahirap tumanggi sa pamilya mo.

Pero.. madaling tumanggi sa sarili mo.

Likas na sa atin ang handang tumulong sa iba; malaki man o maliit.

Gusto kasi natin na maganda ang imahe natin sa mata ng nakararami. Masarap pakinggan ang mga papuri nila. Masarap yung lagi ka nilang kinukwento sa iba.

Masarap sa pakiramdam diba?

Pero lagi na lang bang aayon sa gusto nila?

Lagi na lang ba akong sasagot ng "Oo" kahit labag na sa kagustuhan ko?

Kung tatanggi naman ako, magagalit naman sila. Iisipin na napaka-selfish ko.

Masama bang tumanggi kahit saglit?

Masama bang isipin muna ang sarili bago ang iba?

Hindi ba't kailangan munang tulungan ang sarili ko?

Selfish na ba ang tawag dun?

Kailangan ko rin ang huminga. Gusto ko, ako rin ay tulungan niyo. Masyado bang  mabigat ang paghingi ko sa inyo nang pang-unawa?

Bakit ganoon? Hindi lang magawa ang gusto, magtatampo agad?

Sana unawain niyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay natutulungan kayo.

Matutong tumanggi. Matutong umunawa sa pakiramdam ng iba.

Just humbly to say "No" then explain.

and please.. understand.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 11, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Let's Write for A PurposeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora