Slay the Nerubians Dungeon Part 2

3.3K 133 4
                                    

Raph PoV

Nagulat nalang ako ng lvl 70 na ang kalaban namin. WAaahhh. Ang lakas naman!! 3 na patong ang lifebar niya.

"Back muna guys. We need to think of a plan." Sabi ni Zed sabay kalikot sa inventory niya. Nag open narin ako ng inventory ko. Mula 40 ay naging 49 ako agad-agad. Ang laki ng exp na nakuha ko sa mga gagamba na iyon. Sinet ko ang stat points ko sa agi at str muna. At yung skill points ko ay inilagay ko sa Fade Attack ko. Ang dating 2 mins. na cd ay naging 4 seconds nalang. Ang daming skill points ang nagastos ko pero worth it naman. Nag-open narin ako ng skill box at may nakita akong isang skill.

Dance of Clones- allows your clones to attack the enemy dealing massive damage. Clones damage is base upon your damage.
(30 mins. Cooldown)
(Can not be upgraded)

Wow. Nice one. Good combination sa clones ko. Naset ko na ang dapat iset. Tumayo na ako at lumapit sa boss. Hindi parin ito gumagalaw sa kaniyang puwesto. Nag Fade Attack ako papunta sa kanya para sana ihit kaso tumalon siya at nailgan ang mga atake ko.

Ibig sabihin nakikita niya ako?

Tumira siya ng mga sapot pero inilagan ko lang ang mga ito. Sunod-sunod ang pagpapatama niya kaya sunod-sunod din akong umatras. Nagulat nalang ako ng makitang nasa itaas ko na ang gagamba. Masyadong
mabilis. Naglabas na naman siya ng sapot mula sa taas kaya todo iwas na ang ginawa ko. Tumakbo si Zed at prinovoke niya ito. Bumaba ang gagamba at inatake si Zed.

"Go guys! Patumbahin niyo. Free hit kayo. Mages heal yung mga mamatay." Zed.

"Copy/Roger/Ok." Sabay-sabay naming sinabi. Tumakbo na ang mga warrior papalapit sa boss.

"Guys! Stun ko!" Sigaw ni Nard.

"Power Shot! Bilis. 5 secs lang yan!" Naghit na kami ng naghit. Bumaba sa 87% ang unang lifebar niya.

"Back na back na. Wala na akong buffs!" Sigaw ni Zed kaya nagsibalikan sila Ando, Rolly, at Ace.

"Kukunin ko atensyon niya. Free hit Nard!" Sigaw ko sa kanya at tumango ito. Ang Fade Attack agad ako para mas mapabilis ang travel. Tinitira parin niya ako ng mga sapot niya pero madali ko lang naman sila na iilagan. Tumakbo ako agad papalapit sa kanya. Ibinato ko ang isang dagger.

"Stiffling Dagger!" Nastun ito. Ginamit ko na iyon na pagkakataon para atakehin siya. Naka 7 na hit ako at bumagsak sa 41% ang lifebar niya.

Ang tigas naman ng boss na ito.

Nakawala na siya sa stun ko kaya tumalon ako palayo para hindi niya ako abot. Tumakbo ito papunta sa akin, sinabayan ko na ito. Tumakbo narin ako papunta sa kanya. Ibinuka niya ang bibig niya at parang may ipapalabas. May namuong kulay berde na likido sa bunganga niya.

"Sheeetttt!! Hindi pa cooldown buffs ko. One hit-skill yan ng boss. Balik ka Raph! One-hit skill yan!" Sigaw ni Zed. Hindi ko na ito pinansin. Palaki nang palaki ang berdeng likido sa bunganga niya. Maya-maya kinain niya ito at may ibinuga siyang napakalakas na wave. Parang atomic bomb ang kalakas nun.

"Raph!!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Deborah's PoV

Sumabog na ang one-hit skill ng boss pero nagtataka ako kung bakit wala kaming natanggap na damage. Di kaya nagsakripisiyo si Raph? Ang lakas na pagsabog nun. Nagkaroon pa ng alikabok. Nahihilo pa ako sa lakas ng pagsabog kaya naman inalalayan ako ni Rolly. (-//-)

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon