Chapter 31: Ability Back

3.7K 140 0
                                    








~*~
















(Cashmere's POV)















"Wow!" Tanging naibulalas ko sa nakita. "It's so magical."

"Tara?" Yaya sa akin ni Frank na abot tenga ang ngiti.

Tumango naman ako at unti-unti na kaming lumapit sa puno.

Isang puno na kamangha-mangha sa paningin. Isang puno na animo'y umiilaw. Isang puno na dilaw ang dahon kung saan ito'y nagsisilaglagan sa lupa at nililipad palayo.

"Iyan ang butterfly mist tree. Mahaba ang pangalan diba?" Natawa muna sya ng mahina bago muling nagsalita. "Ang kaibigan ko ang nagpangalan sa punong kaharap natin ngayon. Napakaimportante nyan para sa kanya."

"Butterfly?" Paniniguro ko na ikinatango nya.

Inaninag ko naman ang puno, at doon nanlaki ang mata ko sa nakita. Isa itong puno na may dahon na mga paro-paro. Kulay dilaw na mga paro-paro to be exact. Oh em gee!

Nang makita ni Frank ang reaksyon ko, hinila na nya ako saka mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ng puno. Bahagya namang nagsiliparan ang ibang paro-paro na nalaglag sa lupa kaya lalo itong naging dahilan ng pagkislap ng paligid.

"Kay ganda diba?" Buntong hiningang sabi ni Frank.

"Teka nga, nasaan ang kaibigan mo? Nais ko syang makilala." Tanong ko kay Frank habang nakangiti at malayang pinagmamasdan ang paligid ng puno.

"Makikilala mo rin sya sa ibaba pagkarating natin roon Cashmere, ipakikilala kita sa kanya...sana." Sagot nya sa akin na ikinatango ko ng mabilis dahilan upang mahilo ako.

Ang tanga mo talaga kahit kelan Cashmere Villacrusis!

Teka. Ibaba? Kala ko ba sila Rence at Carl lamang ang nakakapunta roon? Paano nadamay na may alam roon si Frank hindi ba? Bahagya ko namang ipinilig ang aking ulo at isinantabi muna ang aking katanungan.

"Silly. Cash." Pagtawag pansin sa akin ni Frank.

Lumingon muli ako sa gawi nya.

"Gusto sana kitang maging kaibigan. Maaari ba?" Tanong nya sa akin.

"Oo naman! Always!" Kumakaway na sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya ng pagkatamis tamis bago lumapit sa gawi ko.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko at ibinuka ang aking palad. Nilagay nya rito ang isang transparent bottle na may dust na kulay dilaw.

Nagtataka ko naman syang tinignan bago binalik ang tingin sa maliit na bote na kasinlaki lamang ata ng aking hinliliit.

"Gusto kong itago mo iyan. Babalik tayo rito Cashmere, at sana sa pagbabalik natin, buhay na ang dust butterfly na nasa bote na iyan maliwanag?" Saad nya.

Nanlaki naman ang mata ko at napaawang ng kaunti ang aking bibig.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang paninigurado ko sa kanya.

"Yup. Seryoso ako Cashmere." Sabi nya at marahang ginulo ang aking buhok. "Tara na. Inaantay na tayo sa Cafeteria. Maaga pa tayo para bukas."















**















"Hindi ka ba nagsasawang titigan ang maliit na bote na iyan Cashmere?" Bored na tanong sa akin ni Mich.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon