Chapter 103

914K 38.2K 37.1K
                                    

New Friend

Jay-jay's POV

Hindi naman pala sya masama. Hindi ko sinasabi to dahil pinakain nya kong pizza. Nag-sorry din kasi sya sakin nung tinutukan nya ko ng baril.

Habang hinihintay sila Keifer, nagkukwentuhan kami at kumakain. Pati mga kasama nya'ng malalaki katawan mabait din naman pala.

Grabe! Ang judgemental tuloy ng dating ko.

Kung anu-anu lang pinag-uusapan namin. Nabanggit nya sakin na meron daw bestfriend na babae si Kuya Angelo. Nakalimutan na daw nya yung pangalan.

"..Minsan lang namin sila makita'ng magkasama... Siguro kasi ibang section yung babae." Pagtutuloy nya sa kwento.

"Panu sila naging bestfriend kung minsan lang sila magkasama?" Tanung ko bago sumubo ng pizza.

"Kasi... Sya lang ang babae'ng nakalapit kay Angelo. Nag-uusap sila na para'ng normal na tao."

"Normal na tao naman sila ah?"

Umiling sya bigla. "Hindi.. hindi mo nag-gets. Kakaiba kasi si Angelo, awra pa lang mapapa-atras kana. Sya yung tipo ng tao na tingin pa lang pinapatay kana. Kahit kami'ng mga kaklase nya takot lumapit sa kanya nung una. Buti nalang at hindi rin sya mahirap pakisamahan."

Ganun kalupit si Kuya Angelo? Nakakatakot pala talaga sya. Sabagay, sinabi na sakin ni Keifer nun, nung nakita namin yung picture nya.

"Eh asan na yung babae?" Tanung ko at kumaha ulit ng pizza.

"Tsss... Hindi ko alam eh. Basta sa ibang lugar na sya nag-aral ng kolehiyo. Wala na kong balita sa kanya."

Sayang, gusto ko pa naman sya makilala. Gusto kong itanung kung anu'ng ugali ni Kuya nung bata pa sya.

Uminom ako sandali ng coke na binigay nila sakin.

"Tama! Naalala ko na yung pangalan ng mga kasama nila Yuri at Keifer. Apat sila na laging nakabuntot kay Angelo noon eh." Napatigil ako at napatingin sa kanya. "...Percy at Aries yung pangalan nung dalawa. Lagi silang nakabuntot kay Angelo at tinatawag sya'ng Boss."

Oo nga pala. Sinabi na ni Keifer na magkakaibigan sila dati at nagkalamat yun ng akala nilang namatay si Percy.

Teka Boss?

Yun din yung sinabi sakin ni Keigan dati. Yun pala yun, kaya siguro para'ng pinatigil sya ni Keifer sa pagsasalita.

"Hahaha.. Naalala ko si Keifer, lagi silang nagkakainitan ni Aries. Lagi kasing pinagkukumpara kaya sila yung laging nag-aaway. Si Yuri yung tahimik sa kanila at lagi lang nag-oobserba. Si Percy naman yung maluko, makasat at laging nakatawa."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Pumasok din yung word na 'Sayang'. Kung hindi siguro nangyari yung aksidente hindi magkakalamat yung pagkakaibigan nila. Tapos nagatungan pa nung isyu nila ni Ella.

"Hindi ko na nakikita yung dalawa... Ewan ko kung anu nang balita don." Sabi nya at akma'ng kukuha ng pizza kayalang naubos ko na.

Daldal kasi...

"Sarap eh... Sorry." Sabi ko sabay peace sign.

Napa-nguso nalang sya. Napilitang uminom ng coke. Saktong pagtingin ko sa orasan bigla nalang bumukas ang pinto at bumungad ang galit na galit na Keifer.

+++++++++++++++++++++++++++++

Keifer's POV

"Is this a joke?!" I ask irritatedly.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon