SIMULA

10.6K 148 1
                                    

"Finding a guy to love is easy...

But finding a guy whom love you back is hard..."

The quotation is right, madaling magmahal pero mahirap humanap ng mahal mo na mahal ka din.

Kung mahal ka ng mahal mo maswerte ka...

Ako kasi malas...

The one I love, love another girl and that girl loves him.

Ibig kong sabihin ay nagmamahalan sila at ako? I'm nobody for them.

Walang may alam sa nararamdaman ko. I'm a secretive person and I will never reveal it. Kahit anong mangyari hindi ko sasabihin 'tong nararamdaman ko kasi alam kong makakagulo lang ako sakanila at ayokong mangyari yun.

I want him happy, at kung ang sagot sa kaligayahan niya ay ang babaeng mahal niya ay magiging masaya na lang din ako para sakanya. Ayoko nang makagulo sakanila kaya magiging masaya na lang ako para sakanya.

"Mindy?" Napakurap ako at tumingin sa tumawag saakin. I should focus, kung saan-saan lumilipad ang utak ko.

"Bakit?" I rub my eyes, bakit lahat sila nakatingin saakin? Did I do something wrong?

"Okay ka lang? Nakatulala ka kay Gray," napatingin ako kay Gray na nakatingin din saakin.

Agad din akong umiwas ng tingin dito at tumingin sa mga dalari ko. "May iniisip lang."

Hindi na ko nagtangkang tumingin ulit dito sa hiya. Hindi ko naman sinasadya na mapatulala sakanya.

"Anyway kumain ka Mindy, malapit na ang class natin," tumango lang ako at dinampot ang mamon na nasa harap ko at agad binuksan.

"Naku! Ang dami nang langgam!"

Tumingin ako sa inaasar nila at tumingin ulit sa mamon ko sabay kagat.

"Ano ba kayo! Parang di pa kayo nasanay!" Nagtawanan pa silang lahat at ako? Kumain lang.

"Ewan ko sainyo."

Kasama ko ang mga kaibigan ko at ang nagsalita ay si Mary na girlfriend ni Gray.

"Stop it. Mary is already annoyed."

Nangangalahati na ang mamon ko at ang masasabi ko lang ay masarap ito.

"Mindy! Ang KJ mo naman! Bakit ang tahimik mo?" Si Kate siya ang nagsermon saakin at ang pinsan ko.

"Di pa kayo nasanay diyan," si Apple naman ang nagsalita na nang-asar kila Mary.

"Si Mindy na lang ang guluhin natin," sabi naman ni Trent.

Uminom na lang ako ng juice ko.

"Bakit ang hinhin mo masyado?" Nakakunot noong sabi ni Rico.

Kaibigan ko sila pero hindi ko silang gaanong kakilala at ganun din sila saakin.

"Hindi ko din alam," tanging sabi ko na lang. Lagi akong sinasabihan ng mahinhin pero hindi ko alam na ganoon pala ako.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong naman ni Elsa.

Kaya nila ako naging kaibigan dahil pinsan ko si Kate na kaibigan talaga nila.

"Sabi kasi ng mommy ko kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang," kibit balikat na sabi ko.

Kakalipat ko lang dito sa school nila, mga limang buwan na ang lumipas.

"May problema ka din ba?"

Napatingin ako kay Chino dahil sa sinabi niya. "Wala naman."

Inikot ko ang tingin sakanila. Bigla kong naisip na hindi ko sila lubos na kilala. Hindi din nila ako lubos na kilala. Sadyang kaibigan lang nila ang pinsan ko.

"Nasan ang magulang mo?"

Napahinto ako sa tanong ni Trent. Napansin kong siniko siya ni Elsa pero pilit akong ngumiti sakanila.

"Patay na sila kaya kila Kate ako nakikituloy."

Natahimik ang lahat. Ngumiti na lang ako sakanila.

"Pasensya na," hinging patawad ni Trent. Tumango na lang ako at tumingin sa hawak kong mamon.

"Hoy! Wag naman ang pinsan ko ang tanungin niyo!" Singit naman ni Kate sa gitna ng katahimikan. Fourth year highschool student ako.

"Kate naman! Gusto lang naman namin siya makilala. Masyado siyang tahimik," sabi ni Mary.

Lagi lang ako nakikinig sa usapan nila at hindi nakikisali dahil kadalasan sa pinaguusapan nila ay wala akong alam.

"Ayos lang Kate," sabi ko.

Ngayon lang nila ako tinanong ng kung ano-ano kaya pagbibigyan ko na lang ang mga tanong nila.

"Do you have a boyfriend?" Napatingin ako kay Gray, kaming lahat yata.

"Wala."

Pumalatak si Apple kaya agad akong napatingin dito. "Tamang-tama! Yung pinsan ko walang girlfriend! Gusto mo pakilala kita? Mabait yun! Gwapo! Matalino! Tingin ko nga bagay kayo!" Ngiting-ngiti pa nitong sabi.

Nagsisangayunan ang iba na parang kilala nila ang tinutukoy ni Apple at sinasabing babagay nga ito sakin.

"Anong tingin mo, Mindy? Ano? Pakilala na ba kita?" Tumatawang sabi ni Apple.

Pilit akong ngimiti dito at bahagyang umiling-iling. "Wag na siguro."

Nakita ko ang busangot ni Apple at ang dumaan na pagkabigo sa mata nito.

"Ako na lang ireto mo sa pinsan mo Apple!" Tatawa-tawang sabi ni Kate.

Bigla namang umakto si Rico na gulat na gulat ito sa sinabi ni Kate. "Ikaw? Papatulan ka ba? Team captain kaya 'yun ng basketball! Ni tingin nga siguro hindi ka tatapunan!"

At nagsimula na silang magbangayan dalawa na may parehong nag-aapoy na mga matang nakatuon sa isa't-isa. Pinanood lang namin silang magbangayan hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na kailangan na bumalik sa mga classroom kaya agad akong tumayo.

"Mauna na ko sainyo," sabi ko.

Di ko na sila hinintay at lumabas na ng cafeteria. Hindi ko naman sila kaklase habang sila ay magkakaklase kaya mas mabuti pang mauna na ko sakanila.

I'm Mindy Jane Espeilla, boring ang buhay ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon