Chapter 104

942K 37.8K 34.1K
                                    

Bad Day

Jay-jay's POV

Ang tagal naman mag-usap nitong dalawa na to. Samantalang papapirma lang ng waiver tong si Aries kay Kuya Angelo.

Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kwarto ni Kuya. Kailangan ko din kasing magpa-pirma. Kanina pa si Aries dito, naka-30 minutes na ata.

Sandali pa kong naghintay bago tumayo si Aries at lumabas ng kwarto. Nagmadali ako sa pagpasok kaya medyo nagulat pa si Kuya.

"Hindi marunong kumatok?" Inis nya'ng tanung sakin.

Nag-smile nalang ako sabay peace sign.

"Kailangan mo?"

Inabot ko sa kanya yung waiver. "Papirma!"

Kinuha nya yun at akma'ng pipirma ng bigla sya'ng tumigil at para'ng binasa pa yung mga naka-sulat.

"Hemilton University?" Tanung nya at agad naman ako'ng tumango.

Bigla nalang nya'ng inabot pabalik sakin yung papel. "Wag kana sumama."

"B-bakit?"

"Hindi ka naman dyan mag-aaral. Dito ka nalang sa bahay."

"Kahit na... Sayang yun. Yung mga classmate ko sasama." Pagmamaktol ko.

Agad nya kong tinignan ng masama. "Titignan nyo lang naman yung school na yan. Manahimik ka nalang dito sa bahay."

"Ihh... Kuya..."

"Jay! Wag kang makulit!" Sigaw nya sakin.

Padabog ako'ng lumabas ng kwarto nya. Binalibag ko din yung pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Parang tanga kasi...

Yun lang eh, tapos hindi ako pinayagan. May sapi na naman siguro tong si Kuya. Gusto kong sumama!

Ang baduy nun, ako lang hindi kasama sami'ng lahat.

Ayoko! Basta sasama ako!

May kung anu'ng kalokohan ang pumasok sa isip ko. Lumapit ako sa study table ko. Hinanap ko yung papers na may pirma ni Kuya.

Hindi naman ako nabigo. Malinaw pa sa sikat ng araw ang pirma ni Kuya. Kumuha ako ng type writing at pinatong sa part ng papel na may pirma.

Kids! Don't do this at home...

Binakat ko yung pirma nya. Ng makuha ko na ng maayos, inulit ulit ko sa papel yun hangang sa kuminis na yung mga part na dapat makinis.

Bwala!

Ang mahiwagang Pirma ni Kuya. Wag lang ako'ng mahuli, tegiru ako nito.

Agad kong niligpit ang mga ebidensya. Mahirap na, kailangan malinis ang krimen.

Wag gagayahin! Masama!

Saktong pagsiksik ko ng mga papel sa basurahan ko ng bigla'ng bumukas ang pinto. Bumungad si Kuya Angelo.

"Hindi marunong kumatok?" Inis na tanung ko sa kanya.

Agad sya'ng sumibangot. "Tigilan mo ko."

"Kailangan mo?"

"Pupunta si Tita Jeana dito. Kakausapin ka daw nya."

Parang may kung anu'ng pumitik sa utak ko ng marinig ko yung pangalan na yun. Pangalan ng tao'ng pilit kong tinatawag na Mama.

"Tungkol saan?" Walang gana kong sagot at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit.

"Hindi nya sinabi. Pero sana harapin mo sya."

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon