48: Bloody Town

22.9K 736 33
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Titus habang sakay kami ng van. Nasa likuran namin sina Nadine at Matteo na kanina pa nagbubulungan.

Pumayag si Orpheus na sumama ako pabalik ng Hellville dahil alam naman niyang babalik ako ng Graviville. Nandoon ang mga kapatid ko na parehong nag-iyakan nang nagpaalam ako. Gustong sumama nina Yadira at Noura para tumulong pero hindi hawak ng ISOP ang Hellville kaya hindi sila obligadong tumulong sa problema ng bayan ngayon.

Iyun ang downside ng pagiging separated mula sa ISOP. Kapag may problema ang Hellville, tanging ang mga taga-Hellville lang ang dapat lumutas n'on.

As for the Atwoods, I was able to convince them to stay with my siblings. Hindi sila ligtas kung uuwi sila. Medyo nagalit pa nga si Lorenzo pero nakatanggap siya ng direct order mula kay Titus to stay kaya wala na siyang nagawa. Ang leader pa rin ang nasunod.

Alam kong nag-aalala si Lorenzo kay Dola kahit ayaw niyang sabihin. I would keep her safe. Pangako ko 'yun sa sarili ko. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa kanya for making Lorenzo happy.

Kaya heto kami ngayon. Limang oras na kami sa daan. The vampire who brought us the news was the one driving for us now. Rocco, that was his name.

"You okay?" napatingin ako sa katabi ko nang hawakan niya ang kamay ko. I couldn't help but give him a small smile.

Malinaw na sa akin ang lahat. He was my life. I wouldn't be whole again without him by my side. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba o sa mga batas against sa aming dalawa. Ipaglalaban ko s'ya.

"Yes. You?" I touched his smooth cheek.

"I'm better than okay now that you're with me again," mahina niyang sabi saka dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin.

I closed my eyes in anticipation. I longed for his kisses everday. I would never get tired of him.

"Ehem. Ehem."

Gulat akong napamulat and I chuckled when I saw Titus's sudden annoyance. He gave Matteo a death glare pero hindi naman natinag ang huli.

"What?" painosente pa nitong tanong nang lingunin namin sila.

Si Nadine naman ay nakangisi lang.

"Isturbo ka," ani Titus.

"Eh kelan ba kasi kayo nagkabalikan? Hindi kasi kami informed," agad namang nakatanggap ng siko sa tagiliran si Matteo mula kay Nadine.

"Not that we want to be informed," salo ni Nadine na pinandilatan pa ng mga mata ang katabi.

"Why does it matter? Ang importante we're together again," ani Titus saka ako mabilis na kinintalan ng halik sa labi.

Namilipit naman si Nadine na tila s'ya pa ang mas kinilig kesa sa akin.

"Ikaw na talaga, T. Bilib ako sa gayumang ginamit mo kay Savannah," ani Matteo.

At bago pa man ako maka-react ay nauntog na ang lalaki sa bubong ng sasakyan.

"Aray! Langya ka, T. Bakit mo ako inuntog?" reklamo niya.

"Ang ingay mo kasi. Bakit ba maingay ka? Hindi naman ganyan ang mga magulang mo," balewalang sabi ni Titus kaya sinapak ko s'ya sa braso.

Tama ba namang gamitan n'ya ng kapangyarihan n'ya ang kaibigan?

Masamang tingin ang ipinukol ni Titus sa akin. Kung noon n'ya ako tiningnan ng ganito siguro ay tumalon na ako out of this car. Dahil sa takot.

Pero ngayon, kinikilig ako sa nakakatakot niyang tingin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon