Christmas Special Part 2

178K 4.7K 479
                                    

XYRA's POV

Nakarating na kami sa Charity Foundation na sinasabi ni Clauss. Naunang lumabas si Clauss at sinabihan niya akong maghintay muna sa loob. Napangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman ang drama niya ngayon. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay.

Naririnig ko mula sa labas ang malakas na ingay ng mga bata at ang Christmas caroling songs na nagmumula sa loob habang naglalakad na kami papasok. Sobrang laki ng Charity House at malawak din ang lupain. May fountain pa sa gitna. 

"Nandiyan na ba sina Claudette?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob ng malaking bahay. Agad kong napansin ang mga batang masayang naghahabulan sa hallway at nag-uunahang pumasok sa isang kwarto.

"Kanina pa sila. Malapit na rin magsimula ang Christmas Party ng mga bata," kaswal na sabi ni Clauss. Iginiya na niya ako papasok sa loob ng kwartong pinasukan ng mga bata kanina. Malaki ang loob at marami talagang bata sa loob. Nang makita ng mga bata si Clauss, agad silang naglapitan sa kanya.

"Sabi po ni Ate Claudette, ikaw si Santa Claus. Bakit wala kang balbas? Saka nasaan ang reindeer mo?" inosenteng tanong ng batang babae. Natawa ako dahil napasimangot si Clauss. Pinagtripan siya ni Claudette..

"May regalo ka ba sa'min?" pangungulit ng isang bata sa kanya.

Nakita ko sa di-kalayuan sina Claudette na nakangiti sa'min at kumakaway. May inaaus sila sa isang malaking mesa. Puno iyong ng regalo. Kumaway ako sa kanila.

"Kids, may regalo kayo mamaya. Bumalik na kayo sa upuan niyo dahil magsisimula na ang Christmas program," sabi ni Clauss. Nagsitanguan ang mga bata at nagsiupo na sa kanya-kanyang upuan. Natatawang lumapit naman si Claudette sa'min.

"Sorry, Kuya. Naghahanap kasi sila ng Santa Claus. Nakalimutan ko'ng mag-prepare para doon kaya ikaw agad ang pumasok sa isip ko. Huwag kang mag-alala, nagpakuha agad ako ng costume para sa'yo," paliwanag ni Claudette na halatang nagpipigil sa pagtawa.

"Hell! Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan mo, Claudette. Humanap ka na lang ng iba," inis na wika ni Clauss habang naglalakad kami patungo sa mesa na puno ng mga regalo. Nandoon din sina Felicity na nag-aayos ng mga regalo. Mahina akong natawa sa pagrereklamo ni Clauss. Masamang tingin ang ipinukol sa'kin ni Clauss kaya nag-peace sign ako sa kanya. Ini-imagine ko pa lang na magsusuot si Clauss ng costume ni Santa Claus, natatawa na ako. Ang sexy niyang Santa Claus! Unusual. 'Di ba malaki ang tiyan ni Santa Claus? Napatakip ako sa bibig sa naiisip kaya binatukan ako ni Clauss. Napahimas tuloy ako sa ulo ko pero maluwang ang pagkakangiti.

"Pagbigyan mo na pare. Pasko naman!" natatawang singit ni Troy nang makalapit kami sa kanila.

"Oo nga, Kuya Clauss. Tapos si Troy ay magiging si Rudolph, ang dakila mong reindeer," pang-aasar ni Felicity sabay irap kay Troy. Napahimas naman sa batok niya si Troy. Natawa na lang kami sa sinabi niya. Tumitiklop talaga si Troy kay Felicity.

Inabutan ako ni Akira ng Santa hat kaya napangiti ako sa kanya. Binati ko siya ng Merry Christmas kaya nakangiting bumati rin siya. Isinuot ko na ang hat na ibinigay niya.

"Tss. Hindi mo man lang ako binati kanina tapos si Akira, binabati mo," naiinis na bulong ni Clauss. Gusto kong mapangiti sa inaasal ni Clauss. Nagseselos siya.

Umakbay kay Clauss si Xavier. "Pare, kailangan mo ng magbihis. Kaming bahala sa'yo," nakangising wika nito. Inis na inalis ni Clauss ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

"Not me! Ikaw na lang Xavier," nakasimangot na wika ni Clauss. Napailing ako. Paano kaya siya mapipilit?

"Clauss, pumayag ka na. Ayos lang yan, para naman ito sa mga bata," I smiled at him. Mas lalo siyang napasimangot. Mukhang hindi talaga siya papayag na maging Santa Claus. I grabbed his hands and pulled him out of the room.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon