Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted

258 3 0
                                    

Chapter 16 - A SONG FOR THE BROKENHEARTED


Duncanville's Foundation Week
8:00 pm

Halos lahat ng mga estudyante ay nasa Auditorium na para panoorin ang handog na free concert ng Musique Club na kinabibilangan ni Bryant.


May kasamang dalawang babae si Thunder habang si Beebop ay kasama si Cahli. Naging instant close sila kanina dahil kay Helaena. Tumambay kasi sina Helaena sa org. ng bopbop babies. Nag pumilit kasi si Helaena kay pinag bigyan na lang ni Brylle, kesa sa makulitan ito.


"Thunder, sweetheart tara na sa Auditorium." Landi nung isang babae kay Thunder.


"But after the concert, we will go to heaven?" Malandi ding sabi ni Thunder.


"Oh sure!" Sabay pa sabi nung dalawang babae.


"Pano mga bro, mauna na kami sa heaven, I mean sa audi. Don't have time for any dramas." Ani Thunder sa dalawang kaibigan at nagtungo na sila sa Auditorium.


"Beebop, tara na din sa Audi. Brylle, Helaena." Yaya ni Cahli sa mga kasama. Tsaka niya hinatak si Beebop sa loob.


Papunta na din sana si Helaena, pero hindi man lang natinag si Brylle sa kanyang kinatatayuan kaya ang ending nagbalik din siya sa kanyang kinatatayuan. "Brylle, let's go." Yaya ni Helaena na may halong pagka inis sa tono nito. "Ano pa bang ginagawa mo diyan?"


"At sinong may sabing gusto kong manood ng concert ng walang kwentang Musique Club na 'yon?"


"Kung ayaw mong manood, then don't. Just give me the damn keys and set me free."


"Kapag sinabi kong hindi tayo manonood, hindi tayo manonood! Maliwanag ba?!" Pagalit na sabi ni Brylle.


"Bakit ba ganyan ka? Bakit ganyan ka sa kapatid mo? 'Ni hindi mo man siya sinusoportahan." Dahil sa galit nasabi na 'yon ni Helaena.


"Wala kang alam sa mga nangyayari sa'min, kaya manahimik ka na lang diyan."


"Siguro nga wala akong alam sa inyong dalawa, pero isa lang ang sigurado akong kina gagalit mo sa kanya, pakiramdam mo inagawan ka, pakiramdam mo inagaw niya sa'yo si Venice."


Tinignan ng masama ni Brylle si Helaena. His deadly glare. Na akala mo kakainin kana sa sobrang galit na nakikita mo sa mga mata niya. Maging si Helaena ay nahintakutan sa aura ngayon ni Brylle. Parang gusto na niyang saktan ang kaharap pero nagpipigil lang siya.


"Kung wala kang magandang sasabihin, just shut up. Nagtitimpi lang ako sa'yo, pero ako kapag napuno hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. You will see the monster in me." Galit na banta nito.


Kinabahan tuloy si Helaena, pero hindi niya iyon pinahalata sa kaharap. Tumahimik na lang siya. Iba talaga kapag nagalit ang devil. Na gi-guilty tuloy si Helaena sa mga sinabi niya, totoo naman kasi ang sinabi ni Brylle, na wala naman siyang alam sa nangyayari sa kanilanh dalawang magkapatid. Puro mga haka-haka lang ang mga sinabi niya dito kanina.


Sumunod na lang si Helaena kung sa'n man siya dalhin nitong si Brylle. Dahil ayaw na niya ulit makita o makaharap ang Brylle na galit na galit kanina.


Dinala ni Brylle si Helaena sa library, sa pinaka dulo ng library at kumuha ng librong babasahin.


"We're stuck here with these damn books while all of them are enjoying the concert downstairs. Nice, you're so sweet!" Sarkastikong sabi ni Helaena kay Brylle.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon