CHP22: Too much pain

2K 62 44
                                    

“You can say ‘sorry’ and ‘I love you’ as much as you want, but if you can’t prove it, your words are worthless.”

Dedicated BliezylBriones

--
/DASURI/

“Dasuri, can I….? Can I…. take care of Hyena?”

Pakiramdam ko nabingi ako nang marinig ang sinabi ni Kai. Para bang sinampal ‘yon sa buong pagmumukha ko. Tumitig ako sa mga mata nya, hinintay kong bawiin nya ang kanyang mga sinabi. Hindi ako naniniwala, hindi nya ‘to magagawa sa’kin. Hindi pwede.

“Dasuri, I’m sorry but I need to do this. I’m sorry.” He tried to hug me. Pero dahil ‘don mas lalo lang akong nalungkot. Para na rin kasi nyang hinihiling sa’kin na bigyan ko ng pagkakataon si Hyena na maagaw sya nito mula sa akin.

Huminga ko nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagkakaroon ng komosyon sa loob nang aking katawan. Napapitlag ako nang makaramdam ako nang kagustuhan kong dumuwal. Napakapit ako kay Kai na kasalukuyang mahigpit ang pagkakayakap sa’kin.

Matapos ang ilang segundong pagpipigil, hindi ko na nakayanan. Itinulak ko si Kai upang makaalis sa pagkakayakap nya. Nang magkaroon ako nang pagkakataon. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa lababo. Binuksan ko ‘yung gripo, at kasabay nito ang walang tigil kong pagsuka.

“Blurrrggghhh.” Kasabay nito ay ang pag-alala ko sa naging usapan namin ni L.joe kanina,

“Para saan ba ‘yan?” tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi bakit sya bumili nang ganon. Meron ba syang nakaone-night stand? Tapos inaabot nya pa sa’kin ngayon? Geez.

“Can’t you get it?” kunot-noo nitong tanong. Nag-isip pa ko sandali bago mabagal na tumango-tango. Hindi ko talaga sya magets. Napabuntong-hininga naman ito at bahagyang napapapikit pa dahil di makapaniwala.

Pinatay ko ‘yung gripo at pinunasan ang bibig ko. Idinantay ko ang dalawa kong kamay para kumuha nang suporta. Ilang minuto akong nag-isip at pilit na inaabsorb ang mga nangyayari.

“Arghh, Dasuri….why are you doing this to me?” he blurted out while looking straight to my eyes. Lalo naman akong naguluhan sa naging reaksyon nya. Ano bang ginagawa ko sa kanya?

Kinuha nya yung kamay ko’t inilagay doon yung PT. Ikinuyom nya ito kasabay nang bahagyang pagpisil rito. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata, “I know, that someday, it will really happen, and I prepared myself. But now that I’m facing it? It’s killing me.”

Umikot ako’t humarap kay Kai. Gusto kong makita ang mukha nya at doon kumuha nang lakas. Dahan-dahan akong umupo sa sahig at doon ko na nabuo ang isang ideyang hindi ko nagawang paniwalaan nung una.

“Should I congratulate you? Because I think… you’re pregnant.”

“Dasuri? What’s happening? Look at me.” Naulinigan kong pahayag nang aking asawa. Sinunod ko naman sya’t tumingin sa kanyang mga mata. Nang magtama ang aming mga paninigin hindi ko mapigilang mapangiti.

Sa wakas, matutupad na rin ‘yung matagal ko nang hinihiling sa maykapal, ang magbunga ang pagmamahalan naming dalawa.

“Kai, I think…. I’m pregnant.”

Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas lang kaming nakatitig sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit biglang natahimik si Kai. Masyado ba syang natuwa sa kanyang narinig kaya maski ang yakapin ako ay hindi nya magawa?

--
/KAI/

“Kai, I think… I’m pregnant.”

Five words. Limang salita lang ang sinabi ni Dasuri pero bigla kong nablanko. Pakiramdam ko biglang huminto ang mundo ko.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon