19

38 2 2
                                    

Shin's POV

Ngayon na ang huling araw namin dito sa Palawan. It was fun.

Nandito kami ngayon sa may kwebang parte ng beach. Hindi naman talaga siya kweba, parang malaking formation ng rocks lang tas may butas at pwedeng pasukan sa loob. So I considered it as a cave.

"San na tayo pagkatapos?" Tanong ni Brigitte at napatingin ako sa kanya. Kakarating pa lang namin dito sa cave kuno gusto na niya kaagad umalis? Nakita ko naman na parang kinakabahan siya. Anyare rito? Sinusumpong ba siya?

"We'll figure it out later." Sagot sa kanya ni Blake. Ang mga kasama kasi namin ay kaming tatlo nila Delanxe, si Blake at iba nilang kaibigan sa Black Dragon.

"Kakain lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila at dahan-dahan na naglakad palabas.

"Mag-ingat ka! Lampa ka pa naman." Sigaw ni Delanxe bago ako makalabas ng kweba.

"Che!" Sabi ko at muntikan na nga akong madulas.

"Oh ano?!" Pagtawa niya at inirapan ko na lang siya bago tuluyang makalabas.

Pasikat pa lang yung araw ngayon at naglakad ako papunta sa dalampasigan at naaabot naman ng tubig na malamig yung paa ko at nagflashback na naman sakin yung nangyari samin ni Kris nung unang araw namin dito.

Hindi siya kasama doon sa loob ng cave dahil madami pa silang tulog dahil nagyaya ng inuman yung isa nilang kaibigan kagabi. Buti na lang at tulog ako buong araw kahapon. Literal. I just don't feel like coming out of bed. Kaya ngayon ako babawi sa pagkain. Hindi ko na naman kailangang maglibot dito dahil ilang beses na akong nakapunta rito.

Naglakad na ako papasok sa resthouse namin at dumiretso sa kitchen at kumuha ako ng cup noodles sa cabinet at nung sinara ko yung pinto sa cabinet ay bumungad sakin ang mukha ni Kris.

"Fuck!" Pagmumura ko nang malutong habang nakapikit nang mariin.

"Why do you always cuss when you see me?" Taka niyang tanong sakin with his husky voice. Ang messy hair. And lazy eyes. Why? Why is he doing this to me?

"Bigla-bigla ka kayang sumusulpot!" Sabi ko at nagpakulo na ng tubig.

"And you're eating that?" Tanong niya at tinignan yung cup noodles na hawak ko with disgust.

"Yeah. May problema?" Tanong ko sa kanya.

"Madami. Sit down. I'll cook your breakfast." Sabi niya at pinagtulakan ako paupo sa upuan.

"Wala ka bang hangover?" Tanong ko sa kanya.

"I don't drink without you, Iris. At least not anymore." Sabi niya at napatingin ako sa kanya dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. I don't know but my heart beats really fast at halos mayupi ko na yung hawak ko na cup noodles kanina dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ah. Sorry na." Sabi ko. Mukha kasing na-offend ko siya.

Natahimik kami ng ilang minuto at sobrang awkward talaga. It is never quiet with Kris Montealegre!

"Okay ka lang ba?" Tanong ko nung hindi na ako nakatiis sa kahatahimikan namin.

"Of course." Maikli niyang sabi.

"I'm not used to the quiet Kris." Sabi ko at tinignan siya bago ngumiti.

"Are you avoiding me again?" Tanong niya na ikinagulat ko naman.

"What? Hindi! No! Anong idea na naman ba 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka lumabas ng buong araw sa kwarto niyo. Ayaw rin akong papasukin nila Delanxe dahil ang sabi umiiyak ka raw. Why?" Tanong niya sakin at napakunot ang noo ko.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon