"Quod Erat Demonstrandum" by dameyy

88K 2.1K 1.8K
                                    

Traffic. Yan ang dahilan kung bakit gabi na, hindi pa rin nakarating sa pupuntahan ko. Sumasakit na ang aking pwet sa kaka-upo dito, nangangalay na rin ang aking paa. May bunos pang gutom.

"Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong ko sa family driver namin.

"May kalahating oras pa po siguro Ma'am kung patuloy ang traffic."

"Okay po." Sagot ko nalang at ibinaling ang tuon sa labas ng sassakyan.

Malaki na ang ibinago ng lungsod na ito. Matagal-tagal na panahon na rin mula nung huli kong bisita ko dito. Matatayog na mga istruktura, mga sikat na foodchains, may iilang mall at ang traffic na wala dati. Dati rati, pwede pang mapaglaruan ng patentero ang gilid ng daan dito. Pero ngayon hindi na.

Nagising ako mula sa idlip nang ipinarada na ni Kuya ang sasakyan sa basement ng isang condo unit. Di ko namalayang nakatulog ako. Unang bumaba si Kuya driver at binuksan ako. Napatingin agad ako sa relong pambisig ko. Tama nga si Kuya, aabutin ngang tatlumpong minuto ang byahe galing sa bungad ng syudad.

"Kuya, dito ka na lang muna matulog. Bukas ka na lumuwas ulit. Baka mas matagalan ka sa byahe pauwi at mapapano ka pa. Kargo konsensya ko pa yun." Sabi ko sa kanya habang papaakyat kami sa top floor ng building gamit ang elevator.

"Okay po Ma'am."

"Saka baka sasabay si Ate Gwen sa'yo bukas papaluwas. Mas mabuti na ring may Kasama ka sa byahe."

"O sige Ma'am, walang problema."

Pagkarating sa itaas, napansin kong dalawang unit lang ang naririto. Nalito ako dalawang pinto na nagkaharap. Kaya tinawagan ko agad si Ate Gwen. Ilang sandali pa, bumukas yung pinto na nasa bandang kaliwa. Pero hindi si Ate Gwen ang lumabas. Isang lalaking may mahabang buhok na halos matabunan na ang mukha, mataas at medyo payat. Naka khaki pants ito at nakaputing v-neck shirt at pinaresan ng itim na tsinelas. Tinitigan ko sya at napakunot ang noo ko sa nakita ko sa mukha nya.

"Lorelei! Mabuti naman at Andito kana!" sabi ni Ate Gwen na lumabas sa bandang kanang pinto. Agad naman akong lumabas sa pinto ng elevator at sumunod sakin si Kuya.

"Oh Loki, mabuti at lumabas ka. Eto yung sabi kong pinsan ko na hahalili dito sa unit ko. Loki, sya si Lore." Sabi ni Ate habang nakatingin sa lalaking nasa kabilang pinto. "Lore, sya ang magiging kapitbahay mo dito. Sya si Loki."

Tumango lang ang lalaki at lumakad na palapit sa elevator. Sinundan ko sya ng tingin hanggang nakapasok sya sa elevator.

"Tara na Lore, pasok na tayo."

Disoriented pa rin ako sa nakita ko. May kakaiba sa lalaking yun. Sino nga ba sya? Winala ko nalang muna saglit sa isip ko ang lalaking nakasalamuha ko kanina. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga sinasabi ni Ate Gwen. Pagkatapos ng hapunan, nagkwentuhan kami sa loob ng kwarto habang si Kuya nasa sala nagpapahinga.

"Nabalitaan ko na kung ano ang mga nangyari Lore. Sinabi na sa akin ni Al. Okay ka lang ba dito?" napangiti ako sa sinabi nya. Tama nga ang hinala ko, pagkarating ko dito, nauna pa ang balita kesa sa akin.

"Yung chismoso mo talagang kapatid Ate! Oo naman, okay lang ako."

"Alam mo naman yun."

"Oo nga eh. Pero teka lang Ate, yung kapitbahay natin, anong trabaho nun?"

"Ahh, si Loki? Di ko alam eh. Pero hula ko, isa syang private detective. Minsan kasi, nawawala nalang sya bigla ng isang linggo." Sabi ni Ate Gwen na nagpakunot ulit ng aking noo.

"Baka naman isa syang CEO o kaya manager sa isang kompanya?" tanong ko.

"CEO? Manager? Eh di ko pa yan nakikitang naka formal suit eh. Tsaka ang suot nya lagi ay itim na leather jacket, naka khaki o maong na pantaloon, puti, itim o dark blue na t-shirt. Minsan naka cap pa yan o kaya'y hoodie jacket. Yan ba ang CEO sa'yo Lore?"

Project LOKI: FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon