20

26 2 0
                                    

Shin's POV

Nakarating na ako sa woods ng beach, wala pa rin akong Brigitte Anne na nakikita at nahahanap. Wala rin akong nase-sense na movement sa paligid ko kaya umalis na ako sa kinatatayuan ko at mas lalong tinahak ang papasok ng gubat.

Where the hell is she?! Masasapak ko talaga siya kapag nakita ko siya! Bakit ba siya aalis ng mag-isa eh alam naman niya sa sarili niya na isa't kalahating tanga siya pagdating sa mga direction? Makakalbo ko talaga siya kapag nakita ko siya.

"Shin! Shin!" Narinig kong pagtawag sa 'kin ni Kris kaya't nilingon ko siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nung makalapit na siya sa 'kin.

"Looking for you." Hingal niyang sabi.

"Hindi ako ang nawawala. Si Brigitte." Sabi ko sa kanya at naglakad na.

"Hindi ka ba natatakot dito? Baka mamaya may mga monsters na sinasabi mo." Sabi niya at hinarap ko siya.

"I know how to walk. I can fight in land. Mauna ka na kung takot ka." Sagot ko sa kanya.

"I'm scared for you! Paano kung maulit na naman sa 'yo 'yong nangyari sa kwarto mo non? I don't want that to fucking happen again!" Sigaw niya at napataas ang kilay ko.

"Kris, that can and it will happen all the time." Sabi ko at naglakad na.

"Nahanap na nila si Brigitte. Let's go." Sabi niya ng makalayo na ako nang bahagya sa kanya.

"Are you sure?" Tanong ko sa kanya.

"Yes." Sagot niya at nauna na akong maglakad pabalik sa kanya.

The walk back to the resthouse was quiet. Wala rin akong balak na kausapin siya dahil baka maibulaslas ko lang sa kanya yung pagkapikon at pagtataka ko ron sa babaeng kanina niya pa kasama.

"Where the hell did you go?" Tanong ko kay Brigitte pagpasok ko sa kwarto namin.

"Sorry na babes. Di ko naman sinasadyang mawala." Sabi niya at napairap ako sa kanya.

"Dapat sa phone mo nilalalagyan ng tracker eh." Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Sige. Palagyan naman. Pati ako lagyan mo na. Para alam ko na kung saan ako lulugar." Sabi niya at ngumiti nang malungkot sa 'kin at naglakad papasok sa banyo.

"What the hell happened?" Tanong ko kay Delanxe at nagkatinginan kaming dalawa.

"Ewan. Baka natripan mag-drama." Sabi niya at humiga na sa kama ko.

Sandali kaming natahimik ni Delanxe at nung makalabas si Brigitte sa banyo ay nagsalita na ako.

"Wag kayong aalis sa kama niyo. Don't look at me, may itatanong ako sa inyo. Pero wag niyo 'ko tignan." Sabi ko sa kanila at nag 'okay' naman sila sa akin.

"Anong tawag sa feelings mo kapag bumibilis yung tibok ng puso mo sa ibang bagay na ginagawa niya? Anong tawag dun kapag nagseselos ka kasi may ibang babaeng malapit sa kanya? Kapag magkahiwalay kayo, tas hinahanap-hanap mo siya, anong tawag dun? Kapag magkasama kayo, tas pakiramdam mo kayo lang yung tao sa mundo, kapag kaya niyang baguhin yung mood mo nang sobrang bilis dahil lang sa simpleng bagay na ginagawa niya, anong tawag dun? Nalilito ako." Dire-diretso kong tanong sa kanila at naramdaman ko na sila sa may paanan ko at nakatingin sakin ng nanglalaki ang mata. Hindi ko sila tinignan at patuloy pa rin akong nakatingin sa kisame.

Kakasabi ko lang na wag ako titignan, tapos ngayon pinangdidilatan pa ko ng mata?

"Omg babes. Si Kris ba yan?" Tanong nila pero hindi ako sumagot at pumikit lang at huminga nang malalim. Realizing what I've said, I'm so dead.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon