Chapter 106

941K 37.1K 27K
                                    

University Visit 2.0

Aries's POV

["Andyan na sya! Wala na tayong magagawa! Bantayan mo nalang mabuti!"] Galit na utos ni Kuya sakin.

Agad ko syang tinawagan pagkadating namin sa University. There's a reason why Kuya didn't sign Jay-jay's waiver.

"Yun pa isang problema. Pagdating dito, dumikit agad sya sa mga classmate nya para hindi ko sya makita."

["Just make sure na hindi sila magkikita! Hindi pa pwede Aries! Baka magka-gulo lang!"]

"Alam ko. I'll do my best."

I ended the call. Masyado'ng maraming tao dito. Sure ako'ng mahihirapan silang magkita and beside hindi naman sya makikilala ni Jay-jay.

"Babe! Tara na!" Ella called me.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. I'll just hope for the best right now.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Ang galing! Ang bilis kong nakapag-tago kay Aries. Mabuti nalang, nahawa ako ng pagiging ninja kay Mayo kahit konti.

"Kamusta naman kayo sa bus nyo?" Tanung sakin ni Ci-N.

"Ayos lang... Kayo ba?"

Ngumiti sya ng pagkalapad-lapad. Yung alam mong may nangyaring maganda sa kanya.

"Tabi kami ni Rakki... Sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Ahihihihi." Sabi nya habang kinikilig-kilig pa.

Napa-ngiwi nalang ako. Tong bata na to, kakaiba! Dinaig pa yung babae, kapag kinilig.

"Pila na! Pila!" Sigaw ni Eman.

Dahil ako ang nag-iisang dalagang bukid dito sa amin. Ako na naman yung nasa unahan ng pila. Katabi ko si-----😒

"What?!" Inis na tanung sakin ng Hari ng mga ulupong.

"Ewan ko sayo..." Bulong ko na feeling ko narinig din nya.

Umayos kami ng pila at merong lalaki na lumapit samin. Naka-polo'ng dirty white sya at brown na pants. Meron din sya'ng sash na may nakalagay na 'Tour Guide'.

"Ako po ang inyong Tour Guide. Tawagin nyo po ako'ng Randy." Sabi nya.

Marami sya'ng pinaliwanag na eklabu na sa totoo lang hindi ko naintindihana. Lunch lang ata yung salitang nakilala ko.

Nag-simula na sya'ng maglakad kaya naman sumunod na kami. Pinaghalong luma at bago yung mga building dito. Ang lawak ng ground at ang daming istudyante.

Yayamanin!

"Pare.. chicks." Dinig kong sabi nila Rory.

"Ang una po nating pupuntahan ay ang history hall ng university kung saan makikita lahat ng board member at nagtayo ng school na to." Sabi ni Tour Guide.

Naglakad lang kami at pumasok sa isang lumang building. Pagpasok, puro bulletin board na agad ang bumungad sakin.

Kung anik-anik yung sinabi ni Tour guide na kinatamaran ko ng pakinggan. Sandali kaming huminto at natapat sa isang bulletin board. Hindi kagaya sa mga nauna, mas bago ang mga picture dito.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon