Chapter 107

914K 34.9K 14.8K
                                    

Answers

Jay-jay's POV

"Alam mo ba?" Tanung ko kay Kuya Angelo.

Hindi sya sumagot. Naka-cross arm lang sya'ng nakatingin sakin.

"Alam mo... Tama ba ko?" Tanung ko ulit.

Huminga ng malalim si Kuya at bahagya'ng nag-nod.

Tang'na!

"Kaya ba ayaw mo kong payagan na magpunta don?"

"That's not the point here----"

"I don't care about your point!" Sigaw ko dahilan para magsalubong ang kilay nya.

Natatakot ako sa kanya pero mas natatakot akong malaman yung totoo.

"Kung paliwanag ko ang hinihingi mo, wala kang mapapala sakin."

"Pero karapatan kong malaman! Tatay ko yun..." sabi ko at nagsimula na namang mag-unahan ang luha ko sa pagbagsak.

"I'm not the one who will explain it to you. Darating na si Tita Jeana dito bukas. Sa kanya mo na itanung yan."

Tinignan ko si Kuya sa mga mata nya. "Wag mo syang papuntahin dito. Ayoko syang makita."

Ayoko syang makita. Masama na ang loob ko sa nalaman ko, wag na nyang gatungan pa.

"Jay----"

"AYOKO SYANG MAKITA!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko.

Ni-lock ko agad ang pinto pagkasara ko. Hindi ko na pinigilan pa yung luha ko. Sobrang sakit ng malaman na alam pa nila kung nasan yung Papa ko pero wala man lang silang sinabi sakin.

Abo't kamay ko lang pala sya.

+++++++++++++++++++++++++++++

Aries's POV

Nilagyan ko ulit ng yelo yung ice bag na hawak ko. Aaminin ko, sobrang sakit pa rin ng suntok sakin ni Keifer.

Hindi ko alam kung dahil matagal na kong hindi nakikipag-away o sadyang ibinuhos lang nya yung galit sakin.

Yung mga tingin nya, it's the same look when he punch because of Ella.

What does it mean?

"Aries..." Kuya called me. "...I thought you'll keep an eye on her?"

"Sorry... Pinag-hiwa-hiwalay kami ng lugar."

"Your sorry won't change anything. Nagkita na sila." Inis na sabi nya sakin.

Tss.

Bakit ba hindi nalang nya hayaang magkita yung dalawa? Maswerte nga si Jay-jay kung tutuusin. Her father is doing all the effort just to find and be with her.

Unlike mine.

Nage-effort sya'ng anu? Makita ako para makahingi ng pera. Sometimes i think it's better kung napatay nalang sya ni Jay-jay nun. I know, it's a bad thing to think like that but no one can blame me.

My phone ring in a short time and followed by a text message. I thought it was Ella, so i get my phone immediately. But i'm wrong. I delete the text message and shut down my phone.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon