Chapter 23

54 8 5
                                    

KAYLE

The night after, I didn't know what to do. I feel so alone.

Tama ba 'yung ginawa ko?

I needed to make a distance between the both us, to stop flashing back the memories that I know will just hurt him.

I've made up my mind. I'll just wait for him to recover, hindi ko na siya pwedeng tulungan.

And now here I am, walking alone in the hallway.

Suddenly somebody held my arm.

I turned around and was ready to punch this person when he spoke.

"Sorry! Nagulat ba kita?"

Tumingin ako sa kaniya, siya ba talaga 'to?

"Jax?" I asked, he wears the same uniform as the students here. But I thought he was studying on another school?

Tumango siya. "Ako nga."

It's Jax, the drummer guy at Mayday Serenade.

"Ba't ka nandito? Akala ko ba sa ibang school ka?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Wala eh, lumipat na ako. Buti na nga lang at nakita kita, hindi ko pa kabisado dito eh," he said and scratched the back of his head.

He's a year older than me by the way.

Tumango ako. "Sure. Saan ba room mo?"

"Hindi ko alam, actually kakalipat ko lang at kukunin ko pa 'yung schedule ko sa dean."

"Oh sige tara na."

Sinamahan ko siyang pumunta sa dean's office, which, obviously, hindi niya pa rin alam kung saan.

"Mr. Tolentino?" tanong ng secretary.

Tumango siya at ngumiti. "Ako nga po."

"Here's your schedule. The dean wishes you good luck and have fun here in our school."

He smiled and we went out.

"So ayan na," sabi ko. "Ba't ka nga lumipat?"

"Mas advance 'yung learning dito para sa course ko sa college eh."

Tumango ako, "Ahh okay."

Jax is taller than me, hanggang balikat niya lang ako. Sa ilang taon ko sa Mayday, maraming beses na rin kaming nag-usap ni Jax, at sa lahat ng nandun, sa kaniya ako pinaka-close.

"8 am pa pala first class ko eh," sabi niya habang tumitingin sa schedule na binigay.

"Pareho tayo! Hmm, ano, tara sa cafeteria?" aya ko.

Ngumiti naman siya. "Tara ba!"

***

"Oo nga pala, Kayle," biglang sabi ni Jax.

"Hmm?"

"Nung nakaraang linggo, buong linggo kang hindi nakapunta sa Mayday 'di ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo, may pinuntahan kasi kami eh. Bakit?"

"Nagkaroon kasi ng meeting ang banda at stuffs."

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"

"Sabi kasi ni manager, kailangang magkaroon na daw tayo ng permanenteng banda, hindi 'yung kung sino and nandoon, silang magpe-perform."

Tumango ako. "Sa bagay."

"Nung nakaraan kasi, konti lang talaga 'yung nakapunta kaya walang na-present kahit isang kanta."

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon