MALDITA 6

1M 26.2K 4.3K
                                    

MALDITA 6

I have a 9:00 a.m class today pero hindi ko na 'yon napasukan pa. Na-late ako ng gising, but I don't regret it, in fact...masaya ako at napakasarap ng naging tulog ko. Sino ba naman kasi ang hindi sasarap ang tulog kapag alam mo na 'yong taong sobrang kinaiinisan mo at sumira ng araw mo ay nagantihan mo nang bongga? Hindi lang doble ang naramdaman nyang hirap, triple pa ang inis at galit na naramdaman nya kumpara sa pang-iinis na ginawa nya sa'yo.Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na 'yon.

Sinong may sabing masamang maging masama? Hindi sa lahat ng oras, kailangan maging mabait ng tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong palampasin ang lahat. Minsan kapag sumobra na sila, hindi na effective ang mga salitang 'hayaan mo na lang sila'. Lahat ng bagay may hangganan, pati ang kaibaitan ng isang tao kapag naabuso, nawawala na parang bula.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at dumiretsyo papunta sa may dining area para kumain ng lunch. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko noong biglang dumating si Witch at nakapamewang sa harapan ko. Padabog kong binitawan ang hawak kong spoon and fork kaya tumama 'yon sa plato at gumawa ng ingay.

"Nakakawalang gana." Nilaksan ko ang boses ko at tumingin sa kanya.

"Hindi ka na naman pumasok." Sabi nya. I rolled my eyes.

"Dinaig mo pa ang mga Professor ko sa pagkwestyun ng mga absences ko. Hindi lang pala pagiging may-ari ng bahay na 'to ang iniilusyon mo, pati pala ang maging attendance checker pinapangarap mo. Yung toto? Ano pang ambisyon mo sa buhay?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ang turuan ka ng magandang asal."

"Hah! Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan. Kung ikaw nga tumanda ka nang hindi natututunan 'yon, tapos tuturuan mo pa ako? Please lang, ngayon pa lang sumuko ka na." Sagot ko at pinunasan ng napkin ang bibig ko.Tumayo na ako at lalagpasan na sana sya noong hinarang nya ang sarili nya sa dadaanan ko.

"Oh? Ano na namang eksena 'yan?"

"Ipaalam ko lang sa'yo na naireport ko na sa Daddy mo ang ginawa mong pagpapahirap sa akin kahapon." Taas noo nyang sabi.Kagandahan para magtaas ng noo?

"Eh ano namang pakialam ko? Tabi nga."

Nakakailang hakbang palang ako noong nag-ring ang cellphone ni Witch at narinig ko ang pagsagot nya.

"Hello Avy?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko sya. Naglalakad na sya papasok sa kitchen habang nasa tenga nya ang cellphone nya. Sinundan ko sya papasok sa loob ng kitchen.Ito na ata ang hinihintay kong pagkakataon, pagkakataon na makausap si Avy. Iniisip ko pa lang ang boses nya, nanggigigil na ako. Gustong-gusto ko ng kunin kay Witch 'yong cellphone nya para maka-usap ko na si Avy, pero hinayaan ko muna at nakinig lang ako sa 'di kalayuan.

"Pasama na nang pasama ang ugali ng kapatid mo." Rinig kong sabi ni Witch.Salamat sa inyong dalawa, lalo na sa'yo Avy kung bakit sumasama lalo ang ugali ko.

"Araw-araw ko na syang pinapahirapan pero parang wala nang epekto sa kanya." Sunod na sabi ni Witch.Buti naman at nahalata nya na wala ng epekto sa akin ang mga pananakot at pagpapahirap na ginagawa nya sa akin. Baliktad na ang mundo ngayon. Ako na ang magpapahirap sa'yo Miranda.

"Nabasa mo na ba ang pinadala kong e-mail sayo kagabi? Pinahirapan nya ako ng husto. Oo, babalitaan kita palagi tungkol sa kanya. Umalis na sya." Pagsusumbong pa ni Witch.

E-mail kay Avy? Bakit kay Avy sya magpapadala ng e-mail? Akala ko ba kay Daddy?Dahil sa curiosity ko kaya naman hinablot ko bigla 'yong cellphone ni Miranda sa kanya. Bastos na kung bastos, pakialam ko? Nagulat si Witch sa ginawa kong pag-agaw ng cellphone sa kanya. Aagawain pa sana nya 'yon sa akin kaya mabilis ko syang itinulak.

"Subukan mo!" Sabi ko sa kanya at pinandilatan sya ng mata.

Wala naman syang nagawa at tinapat ko na sa tenga ko ang cellphone nya.

"Good. Yaya, huwag kang magpapatalo sa kanya. Huwaag mong hayaan na pahirapan ka nya. Gumanti ka. I know Avah, susuko agad 'yan. Saktan mo sya emotionally, that's her weakness. Trust me." Narinig kong sabi ni Avy.

Hanggang ngayon pala ganyan pa din kahina ang tingin nya sa akin. Naiirita ako habang naririnig ang boses ni Avy. Dalawang taon na ang nakakalipas magmula noong huli ko syang maka-usap bago sila umalis papuntang China. Ang pag-uusap na nagpabago ng tingin ko sa kanya. Ang araw na nagising ako sa katotohanan.

"Dapat na ba akong matakot sa sinasabi mo?" Bigla kong sagot.

Ilang segundong natahimik sa kabilang linya, marahil ay nagulat sya noong boses ko ang marinig nya. Natuwa naman ako sa naging epekto ko sa kanya.

"A-Avah?"

"Ano ba 'yan Avy, boses ko pa lang ang naririnig mo nauutal ka na."

"Where's Yaya Miranda?"

"Nasa impyerno, hinihintay ka na."

"You're crazy!"

"And you're Evil. Did you miss me?"

"How dare you to call me that? Kailan ka pa natutong sumagot nang ganyan?" Inis na tanong nya.Tss. Walang kwenta, 'yon pa lang ang ginagawa ko, galit na sya?

"About 10 seconds ago? People change Avy at isa na ako doon. Ikaw lang ata at ang Yaya mong Witch ang hindi nagbabago. Alam mo bang miss na miss na kita? Kaya umuwi ka na para naman maabutan mo pang buhay ang Witch mong Yaya."

"Don't you dare touch Yaya Miranda or el—" Pinutol ko na yung pag sasalita nya.

"Or else what Avy? Gusto mo ng sample? Pagbibigyan kita! Makinig ka!"

Tumaas ang boses ko sa kanya. Narinig ko na naman ang 'oh-so-gasgas-line' nya na 'Or else'. Madalas nyang gamiting panakot sa akin 'yon noong bata pa kami. Ako naman 'tong tanga na agad matatakot.

Tinaggal ko ang cellphone sa tenga ko at pinress ang loudspeaker button, humarap ako kay Witch, medyo tinapat ko ang cellphone sa may pisngi nya para mas marinig ni Avy ang gagawin ko sa Witch nyang Yaya.

Sinampal ko si Miranda. Nagulat sya sa ginawa ko kaya naman napatulala sya at napasapo sya sa pisnging sinampal ko.

"What did you do to Yaya Miranda?" I can feel the panic in her voice. Good!

"Wala naman. Sinampal ko lang ang pangit nyang mukha. Grabe, tigas talaga ng mukha ng Yaya mo 'no?"

"Humanda ka sa akin Avah, uuwi ako ng Pilipinas and I will make sure na malalaman nila Daddy 'yong ginawa mo kay Yaya Miranda."

"Aww...nakakatakot naman. Go girl, push mo 'yan. 'Yan lang kasi ang fulfillment mo sa buhay...ang siraan ako. Natutuwa akong malaman na uuwi ka na, paghahandaan ko ang pagdating mo." Sagot ko sa kanya.

"Me too, I'm excited to make your life a living hell again. Be ready Avah."

"I'm always ready. Ikaw ang humanda, baka kasi hindi mo kayanin ang presensya ko. And I will make sure to slap your face hard...very hard."

I ended the call after kong sabihin 'yon. Aba dapat lang na ako ang may final say. Hinagis ko pabalik kay Witch yung cellphone nya at saka ako tumingin nang nakangiti sa kanya.

"Good job Witch. Ngayon lang ako natuwa sa'yo." Sabi ko sa kanya at tinapik ko sya sa balikat.

Tuluyan na akong umalis ng bahay at dumiretsyo sa School ko. Paniguradong magiging masaya ang bawat araw na kasama ko ulit si Avy. Hindi na talaga ako makapaghintay. Finally...my long wait is over.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon