Chapter 22 ♬ Sorry

64.7K 1.4K 127
                                    

CHAPTER 22 - SORRY

NIEL


Natapos na rin sa wakas ang Battle of the Bands at masaya akong si Serene ang nakaduet ko. Her voice was so sweet and beautiful. Singing with her was like heaven. Masaya talaga ako at natapos din ang kumpetisyon na matagal na naming pinaghahandaan.

"Niel, Jace I need to talk to you about something." tawag sa amin ni Mr. Valdez kaya napalingon ako. Noong makalapit kami, tinapik-tapik niya kami sa balikat na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. "You all did a great job!"

"Hindi rin po namin magagawa ang lahat ng iyon kung hindi sa bago naming girl vocalist."

Ngumiti ako at tumingin kay Jace na tahimik lang na nakikinig sa amin. May ngisi sa mukha niya pero hindi naman umaabot sa mga mata niya. Nakasandal siya sa may pader ngayon at nakatupi ang mga braso. Well, ganyan naman siya lagi noon pa lang. Magsasalita lang 'yan kung importante ang sasabihin pero kung hindi, mananatili lang siyang walang imik.

"Yes about that," malalim na buntong hininga ni Mr. Valdez "'Yun talaga ang isa pang dahilan kung bakit tinawag ko kayo rito."

Napakunot noo ako at nakita na pati si Jace ay ganoon din ang ginawa.

"Tungkol po saan Dad?" tanong ko.

Tinignan niya muna kaming dalawa bago sumagot.

"It's about Serene."

SERENE

Narinig ko ang malakas na pagputok ng baril. Gumulong gulong ako kasama ang bata na nakatago sa mga braso ko. Inaasahan kong makadama ng sakit dulot ng bala galing doon ngunit ang nakapagtataka, wala akong nararamdaman na kahit anong kakaiba sa akin. Bukod siguro sa sumakit ang likod ko dahil sa malakas na pagkakabagsak, iyon lang. Umupo ako at kinapa-kapa ang sarili.

Hindi ako natamaan? Pero imposible dahil hinding hindi magkakamali ang kambal pagdating dito. Sa tagal na nakilala ko sila ay ni minsan ay hindi sila pumalya kaya bakit—

"Gun let's go!" narinig kong nagmamadaling tawag ni Blow sa kapatid.

Napaka-weird man sa feeling pero pakiramdam ko may nagligtas sa akin. Pagkatapos bahagyang pagpagin ang damit ay tumayo ako at pinagmasdan ang buong paligid. Wala na sila. Wala ng ibang tao kundi ako at ang umiiyak na bata sa tabi ko.

Saan sila nagpunta? Ang bilis yata nilang maglaho.

Sa pagkakaalala ng mga nangyari kanina ay bigla akong napaisip. Naaalala ko noong sabay kaming bumagsak ng bata ay may ibang tao ang tumulak at dumagan sa akin. Gayunpaman, katulad ng mabilis niyang pagdating ay ang mabilis naman nitong pagkawala.

Sino siya? Bakit niya ako iniligtas? Bakit noong narinig ko ang boses ng kambal kanina para silang naaalarma? Kung kasama man nila 'yun eh 'di sana tinapos na rin niya ako habang may panahon pa sya kanina hindi ba?

Ang daming katanungan ang bumabalot sa akin ngayon. Pero alam ko na utang ko sa kanya ang buhay ko.

NIEL

"Wala pa ba si Serene?" tanong ni Rico sa amin.

Nandito na kami sa band studio sa school. May meeting lahat ng miyembro dahil magkakaroon ng party tungkol sa pagiging kampyeon ng banda kagabi.

"Ayos lang kaya siya?" nag-aalala pa niyang tanong sa amin habang sumusubo ng hawak na potato chips. "Ang dami pa namang bulungan na nagkaroon daw ng putok ng baril kagabi."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon