EPILOGUE (all caps para intense! haha )

1.1M 16.5K 9.6K
                                    

Angelico 'Iko's POV

"Sit! Sit!"

"Bad dog! Sit!"

"Champorado sit!"

"Champoradooooooooo!!!!"

Napairap na lang ako kay Miyu ng  hinabol nya ang chaochao na si Champorado. Champorado ang pangalan dahil kulay chokolate yung aso nya. At sa kasamaang palad, mas makulit pa sa kanya. Galing si Champorado sa allowance namin ni Elo, latest birthday gift namin sa kanya.

"Hay! Ang kulit mo Champorado!" pasalampak syang naupo sa sofa ng mansion namin. Mansion daw kasi sabi ni Tatay.

"Pssst! Umayos ka ng upo mo Princess!" sita ni Elo, ang kambal kong masyadong low profiled at ubod ng talino pero hindi nerd, at higit sa lahat may girlfriend yan! That's my men! Akalain mong napansin pa nya yun habang nakaharap sa tambak nyang reviewer. Lalaban kasi sya sa isang quizz bee.

Padekwatro namang naupo si Miyu. We used to call her Princess. Naka shorts sya ng maikli at naka sphagetti strap na sando. She really looks like Nanay. She's going to be sixteen. At malapit na magcollage.

"Baby Miyu! Nasa labas yung mga classmates mo they wanted to see you." pasok ng maganda kong Nanay.

Tayo naman agad si Miyu at iniwan ang kanyang alagang si Champorado, didiretso na sana sya sa pinto ng pigilan na naman ni Elo.

"Lalabas ka ng ganyan? " tanong ni Elo na inayos pa ang eyeglass nya.

"Hindi. Papasok ako ng nakaganito." iiling iling pa na sagot ni Miyu.

"Magpapalit ka? O huhubaran kita palabas?" pananakot ni Elo.

"Tsss ..oo na! Magpapalit na!" naka pout na umakyat si Miyu sa taas.

Nagkatinginan naman kami ni Nanay. Naiiling lang sya at ako ay nagkibit balikat na lang.

Bumaba si Miyu na naka summer dress, kahit sinong lalaki ay mapapalingon sa ganda ng kapatid namin. She's a woman now but she's still our Princess. And she always be our Parents baby. Tuloy tuloy syang lumabas, lahat kami ay nakamata lang sa kanya. Tumayo ako at sinundan sya para bantayan ang pag uusap nila ng mga classmates nya. Mahirap na ..

"Kyaaaaaa .." bulong yun pero dinig na dinig ko ang impit na tili ng mga classmates ni Miyu. "Shet! Si Iko!" kinikilig na sabi nila na nakaturo sakin.

Hindi ko sila pinansin at sumandal ako sa poste ng gate namin para bantayan ang pag uusap nila.

"So bakit pala kayo nandito?" tanong ni Miyu.

"Aayain ka sana namin mag bike sa park, kunng pwede ka lang naman." noon ko lang napansin na nakasakay sila sa bike.

"Miyu can't go with you. She's not yet allowed to use mountain bike." sagot ko sa kanila. Pawang mga mountain bike ang dala nila.

"Kuya!" protesta ni Miyu.

"Go inside Princess.." saka ko sinarado ang gate namin.

Bastos na kung bastos. Gwapo naman!

"Waaaaaahhhh .. Tataaaaaaayyyy!"  umiiyak na pumasok si Miyu at sinundan ko lang.

"What happened Princess?" salubong ni Elo.

"Si Kuya Iko! Waaaaaahhhh .." umiiyak na sumbong nya.

"What happened to Baby Miyu?" bumaba na si Tatay at lumabas naman ng kusina si Nanay.

"I want  bike!"

"O edi gamitin mo yung bike mong may tatlong gulong sa likod." amo ni Elo.

"Waaaahhh ayoko nun! I'm a big girl now!" gusto kong magtakip ng tenga sa iyak ni Miyu.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon