Chapter 13: 1st Case

5.9K 162 6
                                    

Nasa van na kami. At nandito rin yung group 2 mukhang napaaway to sila dahil makikita mo talagang nahihirapan sila sa laban.  Pero masaya pa rin ako dahil walang nasaktan sa kanila.

"Oh Eunice ba't wala sina Denise at Michelle may nangyari ba sa kanila?? " sabi ni maam na puno ng pag alala.

"Sensei wag na po kayo mag alala. Pinasamahan ko po sila sa babaeng nanghingi sa amin ng tulong"

"Bakit ano ba ang nangyari??"

Inexplain ko sa kanya yung nangyari kanina. At nagulat naman siya.

"So.  Team Eunice this would be your first case to be solved. "

"Ano ba ang hitsura nung taong umaaligid sa kanya??"

"Uhm ang sabi niya sakin. Palagi dawng nakasuot ng jacket. Tapos may suot na isang kwintas na may pendant na gem stone pero kulay asul ito. "

"Oh!! Ganun ba. Hindi na ako magtataka isang Bon Warrior ang nag mamanman sa kanya. Program"

"Yes Sensei Nelly?" Sabi nung program.

"Uhm Eunice alam mo kung saang Street niyo iniwan sina Denise at Michelle?? "

"Uhm sa pagkakaalam ko dun po sa Rizal street. "

Tumango lang si maam sakin.

"Program show as the cctv camera of rizal street. "

"Yes sensei "

biglang may lumabas na hologram sa lamesa at nakita namin ang rizal street grabeh ang cool dahil naka program sa monitor ang cctv ng rizal street. Agad naming nakit sina Denise at Michelle kasama yung babaeng nanghingi sa amin ng tulong.

Inikot ikot ni maam ang camera.  Nung inkot ikot niya ito ay may umagaw sa akin ng pansin.

"Sensei itigil mo po dun sa may eskenita kanina. "

"Hah?? Ah o sige. " Sabi niya.

Itinigil ni sensei ang cam sa may eskinita dun ko napansin ang lalaking nakajacket . At sinundan ko ang tingin niya.

"Uhm sensei pwede niyo po ba gamitin ang isang cam ng rizal street??"

Tumango lang si sensei at ginawa niya yun may lumabas na isang hologram at inikot ko yun sa pwesto nila Denise at Michelle.

Nagtataka sila Clarence at Clark sa ginagawa ko. Pinauwi na ni Sensei ang group 2 kaya ang naiwan dito ay ako, si Clarence, Clark at si Sensei.

Tiningnan ko ulit ang video 1 at video 2 tama nga ang hinala ko yan yung lalaking nagmamamanman sa babae na nanghingi ng tulong samin kanina.
parang na gets na ni sensei ang pinapahiwatig ko.

"Anong ginagawa mo Eunice??" Tanong sakin ni Clark habang nakatitig sa Dalawang hologram.

"Yung lalaking to feeling ko siya ang sinasabing lalaki nung babae kanina." Turo ko dun sa lalaking nakajacket dun sa eskinita.

Tiningnan naman kaagad ni Clarance at Clark.

"Kailangan na natin silang puntahan " sabi sakin ni Clarence

"Program go to the Rizal street " sabi ni Clark

Agad namang umandar ang van at humarurot ito patungong Rizal.
Huminto ito sa may kanto para hindi kami mahalata.

"Ako na ang bahala sa lalaking yun at kayong dalawa pumunta kayo kila Denise at Michelle. " sabi ko sa kanila.

Tumango lang sila.

"Pero pano ka??" Sabi sakin ni Clarence

"Don't worry boys. Ako na ang bahala kay Eunice. " sabi ni Sensei.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon