Kabanata 50

1.1M 28.1K 14.6K
                                    

Kabanata 50

Mga Mata

"Hector! Hector, hindi pwede..." Hinahabol ko siya ngayon dahil dire diretso ang lakad niya sa room niya.

Nakita kong mabilis niyang tinapat yung card sa pintuan at bumukas agad ang pinto. Hindi niya man lang ako nilingon. Diretso ang pagpasok niya. Bumuntong hininga ako at napilitang pumasok sa loob.

Hindi ko alam na pupunta si Clark ngayon. Alam kong present siya sa mga events dahil photographer siya pero hindi ko inakala na hanggang dito ay makakasunod siya.

"Ba't di mo sinabi na nandito yung ex mong gago?"

Tinaas ko ang isang kilay ko at humalukipkip habang pinagmamasdan ko ang galit niya. "Hindi ko rin alam na yung dalawang ex kong gago pala ang pupunta dito. Don't blame me."

Nanliit ang mga mata niya at ginulo niya ang kanyang buhok bago bumagsak sa malaking kama.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan kaming dalawa. Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto at kitang kita ko ang mga maingat na pagkakagawa ng bawat disenyo. Malinis at mabango din doon. Masyadong malaki para sa isang hotel room. Malalaki din ang kurtina at maraming mukhang mamahaling muwebles. Nakita kong may veranda din doon kung saan nakaharap sa may pool side nung resort.

"Dito ka na matulog." Malamig niyang wika.

"May room naman ako. Though, may ka share pero ayos lang ako dun."

"Paano kung yung gago ang ka share mo?"

"Does that change anything? Gago ka rin naman?"

Tumunganga siya sakin gamit ang galit niyang ekspresyon. Umiling ako. Hanggang ngayon, hindi ko parin nakalimutan ang panggagago niya sakin. kaya hindi ko siya matanggap ng buong buo. Dahil nasubukan ko nang maniwala sa kanya. At ang sinukli niya sakin ay ang panggagagong iyon. Alam kong mas nakaka gago pa ang ginawa ni Clark sakin pero ang hindi ko alam ay kung bakit mas naiirita ako kay Hector.

Kaya ayun at tahimik siya nung nag lunch kami. Yan kasi ang bagay sayo, yung binabanatan. Ang akala niya ay siya na ang tama sa lahat ng pagkakataon. Pero ang totoo ay gusto niya lang kontrolin ang lahat at gusto kong isaksak sa kokote niya na hindi, minsan hindi mo makokontrol ang mga bagay, na minsan may mga bagay na kahit anong gawin natin, hindi natin mababago. Na kailangan tanggapin na lang... kasi wala na tayong magagawa. Because you can't order a person to change his feelings...

"Oh come on! Bilis na! Go! Go! Go!" Sigaw nang sigaw si Kira nang natarantana.

Alas tres pa lang ay ang dami dami ng bigating tao sa resort. Kitang kita ko na rin ang billboard namin nina Brandon, Amy, at RJ sa labas.

"Jusko naman! Brandon!" Tinuro ni Kira si Brandon nang nakitang lumalagok ito ng inumon sa gilid habang naka boxers lang.

Tumawa ako at pumikit ulit kasi minimake up-an pa ng make up artist. Busy ang lahat. Yung ibang models ay ready na. Yung male models halos budburan na ng tanning lotion ang katawan. At si Hector... Si Hector ay nakahalukipkip lang malayo sa harap ko. Nag mamasid at nag hihintay na magkamali ang mga taong nasa paligid ko.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon