Wakas

5.5K 93 9
                                    

Wakas

Payapa na. Ito na nga siguro 'yon. Walang gulo pero masiyado paring nakalulungkot ang mga pangyayari.

"Dad, Mama, alis na po ako." sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.

"Sinong kasama mo?" tanong ni Dad.

"Hay naku, pabayaan mo na hon. Malaki na siya. Malamang at 'yong boyfriend niya ang kasama niya." ani Mama na nagpapula sa mukha ko.

"Asan ba ang kuya mo?" tanong ulit ni Dad.

"Baka po ka-date si Doctora." natatawa kong sabi.

Tama kayo ng pagkakarinig. Si Doctora na nanakot sa akin noon sa pagtanggal ng contact lense ko ay dinedate na ni kuya. Si Gabbie naman hindi ko alam kung ano ng meron sa kanila ni Harry pero masasabi kong super close na sila at si Kier naman ay busy sa pagporma sa kung sinu-sinong babae.

"Sige po, una na ako." wika ko at nagsimula ng maglakad papunta sa naghihintay kong boyfriend.

"Tara na?" tanong niya na pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya.

Tumango lang ako at pumasok na sa loob.

Dadalawin namin si Papa. Limang buwan na siyang nakakulong at alam kong pinagsisihan niya na ang mga kasalanan niya. Ramdam na ramdam ko na, na mahal talaga ako ni Papa.

"Hija." napakahigpit ng yakap ni Papa. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

"Mabuti naman at nagawi ulit kayo rito." masaya niyang sabi.

"Syempre naman Papa, hindi ko po kayo malilimutan." nakangiti ko ring sabi.

"Anyway, kamusta kayo? Ikaw, hijo, kapag sinaktan mo ang anak ko talagang papatayin kita." ani Papa na tumatawa pero siguradong tototohanin niya ang mga sinabi niya at hindi rin ako tututol.

Okay, ang bad ko.

"Of course, I won't hurt your daughter's feelings. But I can't promise that I won't hurt her physically because you know, when we get married we will do 'that' ."

Sobra na ang pamumula ko!

"Ang bastos mo R.A.!" sigaw ko sa kaniya.

He just chuckled.

Ang baluga talaga nitong panget na 'to. Siya nga pala ang maarteng 'to ay nagpatawag ulit ng R.A. tsk.

Papa just laughed.

Matagal-tagal din ang naging pag-uusap namin. Hindi maubos-ubos ang topic. Hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi na.

"Saan naman tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan pauwi, ah? " tanong ko kay Rex.

"Yeah, we're going on a date." aniya at nagsimula muling magdrive.

Hindi ko mapigilan ang kilig. Sino ba namang hindi kikiligin sa isang Rex Andrei Valle? Baka manhid na lang siguro.

Pagkadating namin sa isang susyaling restaurant ay mabilis na inilagay ng mga waiter ang pagkain. Ang bilis naman 'ata? Hindi pa nga siya tumatawag ng waiter.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pinaghandaan mo 'to ano?" ako.

"Nah..."

Tanging sabi nito na ipinahihiwatig na hindi niya ito pinaghandaan.

"Hindi ako naniniwala sa'yo." nakataas kilay kong sabi.

"Tsk, fine, pinaghandaan ko na ito. Just eat." wika nito.

Ang weird ng mga tao rito. May mga naka shades, nagbabasa ng diyaryo or magazine, may naka mask pa.

Tinitigan ko 'yong isang babae na kanina pa nakatingin sa gawi namin. Naka mask siya.

Don't tell me hinuhubaran niya na sa isip ang R.A. ko?!

"I'll just go to C.R." ani Rex.

Buti naman at malalapitan ko na 'yong babae.

Tumayo ako at lumapit do'n sa babae at napansin kong nagulat siya.

"Are you stalking us?" tanong ko ng mahinahon.

Hindi siya nagsalita at inisnaban lang ako.

Papatayin ko 'to, e. Walang modo kitang kinakausap. Hinablot ko ang mask niya at nagulat ng makita ng maayos ang mukha nito.

"Louizent?" taka kong tanong. Siya 'yong isa sa mga kaklase namin ni Rex. Sinilip ko rin ang mga nakatakip ng magazine at naka shades at doon ko lang napansin na halos kakilala ko silang lahat!

"Bella, anong ginagawa mo? Nag C.R. lang ako kung saan-saan ka na nagsisinuot." ani Rex.

"O.A mo naman, parang nandito lang naman. Atsaka look, halos kakilala ko silang lahat. Coincidence. Ang galing 'no?" masaya kong sabi.

"Tsk, yeah." maikli nitong sagot.

"Dito muna tayo. Palipat mo na lang sa waiter 'yong mga in-order natin." wika ko.

Nakita kong bumusangot ang mukha niya.

"Palpak." I heard someone said.

"KUYA! Bakit nandito ka?" gulat kong tanong dahil nasa kabilang lamesa lang siya.

"Kasi Prin-"

"D-dad, Mom, Papa?! " sigaw ko sa gulat kaya naputol ang sasabihin ni kuya. Parang kanina lang ay kausap namin si Papa a-at magkakabati na sila?!

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mga tao rito. Halos lahat sila bumuntong hininga kaya rinig na rinig. What's their problem?

"Hay, fvck. Now you're not surprise. Mukhang pumalpak ako. Anyway ito na nga, itutuloy ko na kahit pumalpak ang plano. Can I dance with my Queen?" aniya na na iniabot sa akin kamay niya.

Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito kahit naglo-loading parin ang isip ko. Gulong-gulo na ako.

May musikang napakasarap pakinggan ang sumira sa katahimikan. Pagkatapos ng sayaw ay bigla siyang nagsalita.

"I love you, sana nagustuhan mo ang ginawa ko kahit na pumalpak. Alam mo bang kahit no'ng mga panahong kaaway ang turing ko sa iyo ay hindi kita magawang saktan, gusto ko pa ring protektahan ka kahit hindi ko alam kung bakit. Hindi ko gusto na may pinupuri ka. Naiinis ako sa pagpuri mo sa niluto ng iba, sa pilik mata ng iba, sa labi ng iba at sa kasama mong iba. Gusto kong akin ka lang. Alam kong masyado akong mabilis. Hindi pa tayo graduate ng College at magna-nineteen ka palang. But, I want to spend the rest of my life with you. To be with you forever. So, please... Will you marry me, after we graduated?" I just can't help but to cry. I didn't expect this. Parang kailan lang ay nagseselos ako sa mga babae niya tapos ngayon ay nakaluhod na siya sa harap ko.

"Yes." I said with a wide smile.

Nakita kong napalitan ng ngiti ang kabado niyang mukha.

"Thank you." he said and kiss me on my forehead.

Narinig ko ang malakas na palakpakan ng lahat at kasabay ng pagtanggal nila ng mga pinangtakip nila sa mukha na obvious na may mga kalokohang balak.

Sa buong araw ay hindi ko na maalis ang ngiti ko. Ito na nga siguro ang salitang in love.

Simula sa pagiging magkaaway ay naging magkasintahan. Ganoon naman siguro 'di ba?

The more you hate raw ay the more you love. Totoo pa kaya 'yon sa panahon ngayon? Well maybe sa iba.

Marami ang naging pagsubok sa buhay ko. Sa tingin ko nga ay mas marami pa ang naging pasakit kaysa sa masasayang alala pero sisiguraduhin ko na mas magiging madami ang masasayang ala-ala ko sa pagdating ng future.

Kasama ang pamilya ko, magiging asawa at anak ko, mga kaibigan at marami pang iba.

Hindi pa rito natatapos ang istorya ng buhay ko. Marami pang darating na problema pero alam kong kakayanin ko ang lahat ng 'yon.

Kasama ang mga mahal ko na kailan man ay hindi ako iniwan.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon