“Giving up doesn’t mean you are weak! It only means you are strong enough to let go…”
Dedicated AbbygailMendoza6
--
/KAI/Bakit?
Bakit nangyayari ang lahat ng ito?
Kahit anong isip ang gawin ko, walang kahit na sino ang makasagot sa katanungan kong iyan. Nakaupo ako sa sulok habang nakatulala sa kawalan. I am with my members, waiting outside the emergency room,
Pero pakiramdam ko nag-iisa lang ako.
Habang humahaba ang oras ng paghihintay. Mas lalo kong nakakaramdam ng kaba. Mas lalo kong kinakain ng takot.
“Dasuri!”
“Kai…. s-si baby…..”
Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang inaalala ang tungkol sa nangyari. I don’t know what to think. Naguguluhan ako, sobra. Akala ko ba hindi sya buntis? Akala ko nagsisinungaling lang sya para pigilan ako. Pero paanong dinudugo sya ngayon?
Argh. Damn it Kai! What the hell did you do? Paano kung buntis nga sya? At paano kung dahil sa nangyari, mawala samin ang……
“Hindi maari!” bulalas ko habang pilit na nilalakasan ang aking loob. Ayokong isipin na mawawala samin ng ganun-ganon lang ang isang bagay na matagal na naming hinihiling. At mas lalong ayokong isipin na ako ang dahilan ng lahat ng ‘yon.
Hindi ko kaya.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Suho hyung sa kanang balikat ko. Pinisil nya iyon para pagaangin ang nararamdaman ko. “H’wag ka nang magsyadong mag-alala. Magiging okay din ang lahat. Si Dasuri kaya ‘yon. Para namang hindi mo sya kilala.” Gusto ko sanang ibalik ang ngiting ibinigay nya sa’kin. Gusto kong maniwalang magiging okay lang ang lahat. Pero ba’t di ko magawa?
Wala pang limang minuto matapos ang maikling usapan namin ni hyung. Nakarinig kami ng mga yabag na syang bumasag sa katahimikang kanina pa nangingibabaw sa paligid. Palakas iyon ng palakas habang papalapit sa aking kinauupuan. Halos sabay-sabay na napalingon ang mga kasama ko para makita kung saan ‘yon nagmumula.
Para naman akong nakakita nang multo nang makilala ang dalawang taong papalapit sa amin. Napatayo pa ko dahil sa sobrang gulat.
“Pa? Ma?”
“Jong in! Iho, nasaan ang anak ko?!” kitang-kita ko sa mga mata ng mama ni Dasuri ang sobrang pag-aalala. Maski na wala kang emosyon na makita sa mukha ni Mr. Choi, ramdam ko sa presensya nya ang pagiging ama.
Binawi ko ang tingin sa kanila. Hindi ko magawang tumingin dito nang diretsyo, I feel guilty. Pansin ko naman ang pagtitig sa amin ng mga kamyembro ko. Mukhang nagtataka sila sa mga taong nasa harapan namin.
“Ano bang nangyari?! Kalalapag pa lang namin sa airport nang mabalitaang isinugod sya dito? Maayos na ba ang lagay nya? Sagutin mo ko!” halos yugyugin na ko ni Mrs. Choi dahil sa sobrang pag-aalala. Wala naman akong maisip na isagot. Pakiramdam ko’y bigla kong nablanko.
“Huminahon ka honey, walang maitutulong ang pag-iisip mo ng sobra. Hayaan mong ‘yung doctor na tumitingin sa anak natin ang sumagot sa mga katanungan mo.” Hinawakan ng papa ni Dasuri si Mrs. Choi at inilayo ‘to sa’kin. Sinulyapan naman nya ko’t binigyan ng makahulugang tingin. Para bang sinasabi nitong alam nyang hindi ko pinabayaan ang anak nya kaya’t wala silang dapat ikabahala pa. Napabuntong-hininga na lang ako’t napayuko ng bahagya.
Sana nga tama sya. Sana inalagaan ko ng maayos ang asawa ko.
Kalahating oras pa ang lumipas. Wala kahit sino man sa amin ang nagbalak na magsalita. Lahat ay tahimik at tila nag-iisip ng malalim. Maski na si Baekhyun na hindi mapigilang dumaldal ay himalang nananahimik sa isang sulok. Marahil lahat kami ay kinakabahan at nananalangin na sana’y walang mangyaring masama…….sa mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias