MPML Book 2 (59)

2.8K 52 2
                                    


Penny's POV

Pwede bang manakal ng bahagya ngayon? Kahit saglit lang please gusto ko lang maka-isa ng sakal kay Travis ngayon. Halos wala kong maisagot sa lahat ng pares ng matang nakatingin samin, lahat naman sila pamilyar except dun sa inakala kong si Yuji pero babae pala. Yun siguro yung sinasabi ni Charlotte na kapatid ni Yuji. Xerox copy na xerox copy sya ng kuya nya, kumbaga Girl version sya ni Yuji.

Weird.

Kung katabi ko lang si Travis ngayon, napingot ko na tenga nya papunta ng kusina pero pasalamat sya dahil malayo layo pa sya ng ilang hakbang sakin.

"Baby?"

"Ok na kayo?"

"KELAN PA?!!"

Sunod sunod na tanong nila Avery, Raven at ng OA na si Jess dahil kinalaingan pa nya talagang ibuga yung iniinom nyang juice. OA. Sarap toktokan ng martilyo sa ulo.

"Kelan? Umm...mga kagabi lang naman hehe!" Sagot ko habang napapakamot ng ulo at gigil na gigil na pinapalapit si Travis sakin. Pero kahit anong senyas ko, takot ng lumapit sakin ang mokong.

"Kagabi lang?" Tanong na naman ni Avery.

"Tapos Baby agad tawagan nyo?!" Sigaw na naman ni Jess.

"Cool." Dagdag ni Raven habang ngumingisi at umuupo sa hagdan. Was he supposed to go upstairs?

Si Charlotte at Yuji sana pinunta ko dito dahil nga alam kong may away na mangyayari but all thanks to Travis, I missed it and now I'm on the hotseat and being interviewed!

"Oo! Kagabi lang! Wag na kayong matanong! Nasaan si Charlotte?!" Buti nalang si Charlotte talaga pinunta ko dito kaya may maipapalusot ako para makatakas sa mga tanong nila.

Wala namang kailangang ipaliwanag eh. Nagkita kami sa isang lugar ni Travis, nagkausap ng matino, nag-iyakan, nagka-aminan na may nararamdaman pa kami sa isa't isa, and then it all ended next thing in the morning when we both woke up in bed...naked.

Yes! Yes! We had sex at tulad ng laging palusot ni Charlotte, it was just not sex.

We.

Made.

Love.

Ugh. Ang old school na ng palusot na yun but I never thought na gagamitin ko rin ang makasaysayang katagang yun. It just turns out that whoever broke you from the past, is still the same person who will you fix you until now. Apology was all I needed and boom, I love him all over again.

Sabay sabay nilang tinuro sakin ang kwarto ni Charlotte sa itaas ng tumayo sa kinauupuan ang kapatid ni Yuji at lumapit sakin. Nakangiti sya habang naglalakad palapit sakin nang ilahad nya ang kamay nya sakin. "We haven't officially met, I'm Yuri by the way. I'm Yuji's sister." Pagpapakilala nya sakin.

Kung maganda na sya sa malayuan, mas maganda parin sya sa malapitan. Nahiya yung kulay ng balat ko sakanya, siguro mapuputi ngang talaga ang mga Salvatore.

Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti pabalik sakanya. "I'm Penny. One of your brother's former student. Nice to meet you." Lalong lumaki ang mga ngiti nya sa sinabi ko.

"Really? Wow, so you guys really stick together ever since you were schoolmates? That is so nice. I wish my classmates and I are like that." Habang tinitingnan ko sya parang kaharap ko lang din si Yuji. Kinikilabutan ako.

"Yeah, friends forever right?" Nagtatawanan nalang din kami, saglit na kwentuhan, pero kahit gusto ko pa syang makausap at mas makilala pa, hindi naman  maialis sa isipan ko ang kalagayan ni Charlotte ngayon.

"Everything ok with your brother and Charlotte?" Tanong ko sakanya. Napansin ko nalang din wala na yung mga lalake sa sala at syang ingay at hiyawan nalang nila mula sa pool ang naririnig ko. Rinig na rinig ko mula sa sala yung pangalan ko habang kinukwentuhan sila ni Travis.

I guess the Getting-back-together-news between me and Travis takes all the tension away from what happened to Yuji and Charlotte earlier.

"Not fine, I've never seen SiL angry like that before. It was scary." Napangisi nalang ako habang hinahawi ang bangs nya paipit sa tenga nya. "We all girls have scary side hidden in our sweet smiles. People thought we're just girls but as soon as we got hurt, we let our other side speaks to ourselves. That's usually when the truth comes out, especially when we are mad, we are the scariest thing that guys cannot handle."

Pagkatapos kong sabihin sakanya yun, napagaan at napawi na yung takot na nararamdaman nya kay Charlotte. Nakakatakot nga siguro si Charlotte kanina at kahit kapatid ni Yuji e nasindak nya.

Minabuti ko na lang na ako nalang muna ang umakyat sa kwarto ni Charlotte kahit gustong sumama ni Yuri sakin. Mamaya nag-iinit pa ulo nun, mas maganda ng sakin sya maglabas ng galit nya kesa sa iba. Kung maninindak sya, edi maganda. In that way, mababawasan yung hinanakit sa loob loob nya.

Umakyat ako ng kwarto at dahan dahang kumatok sa pinto ng kwarto nya. Tahimik at wala akong naririnig miski kaluskos sa loob. "Charlotte, si Penny 'to." Katok lang ako ng katok hanggang sa palakas na ng palakas ang bawat katok at boses ko. "Charlotte, buksan mo 'tong pinto."

30 minutes ng nakakalipas hindi parin nya ko pinagbubuksan ng pinto. Sinisimulan ko naring kalabugin yung pinto dahil nag-aalala na ko.  She usually open the door pag nagkukulong sya at pag nalaman nyang ako na yung kumakatok. Now, my guts starts telling me na parang may mali.

"Charlotte! Open the door!" Napalakas na yung boses ko kaya nagsi-akyatan narin silang lahat sa itaas. "May problema ba?" Tanong ni Raven habang kita sa mukha nya ang pag-aalala sa ate nya. "Kanina pa ko kumakatok, wala akong naririnig sa loob." Sa sinabi kong yun, pinatabi na ako ni Travis at sila sila na nila Raven, Avery at Jess ang kumakatok sa pinto ni Charlotte.

"Sha? Ayos kalang ba?" --Travis

"Cha, buksan mo tong pinto." --Jess

"SiL, are you okay in there?" --Yuri

"Hindi na nya bubuksan yan kunin nyo na yung susi." --Raven

Halos hindi na sila magkamayaw sa pagkakasabay sabay nilang magsalita. Bababa na sana si Yuri para kunin yung susi ng kwarto ng marinig ko nalang na may sumipa ng pinto ni Charlotte. Paglingon ko, it was Avery who kicked the door without hesitations. Nangunang pumasok sa loob si Raven and followed by the rest of the boys. Papasok narin sana ako ng kwarto ng marinig ko nalang na sinisigaw ni Raven ang pangalan ni Charlotte.

Yuri and I didn't even had the chance to enter the room when Jess came out while carrying Charlotte's body. She looked pale and unconcious when I saw her. All we can do was to hurry and get in to our cars and take Charlotte in the hospital immediately.

● ● ● ● ● ● ● ●

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon