MPML Book 2 (60)

3K 61 1
                                    


Nagtatago ako sa gilid ng banyo habang inaantay magbell. Oras yun ng breaktime at ganun din sa mga guards na nagbabantay sa gate. Plano ko tumakbo palabas pag wala ng bantay. Si Marcus naman ay nasa likod na ng building para patakbuhin ang kotse nya sa oras na makalabas ako ng campus. Gusto ko na talaga sabihin kay Mommy yung goodnews tungkol sa hindi talaga anak ni Daddy si Marcus. Mabubuo na pamilya namin, siguro hindi pa ngayon pero papunta narin dun once na nagka-alaman na ng totoo. The truth will solve everything and I'm just dying to tell it to my Mom.

Nakatingin ako sa relo ko habang inaantay ko mag 9:30, minutes nalang inaantay ko at breaktime na. Atat na atat na kong makalabas, yung ngiti ko kanina pa hindi mapawi pawi sa sobrang kasabikan.

"Five, four, three, two, one. Alright, here I go." Binitbit ko ang bag ko at akmang tatakbo ng palabas ng hallway ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Andrea!" Para akong batang nakahawak sa strap ng bag ko habang kagat kagat ang labi ko. Dahan dahan akong umikot at laking pasalamat ko ng si Ria ang makita kong nakatayo sa hagdan.

"Ria naman. Tinakot mo ko akala ko prof ka." Bati ko habang umaaligid sa kaliwa't kanan. Naglakad sya palapit sakin at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Alam ko nagaalala ka sa Mommy mo but everything's going to be fine."

She looks so worried. Nakakagaan ng loob na makitang nagaalala sya sa Mommy ko, but really I'm not worried. Nandun si Daddy for her, and I'm just going to deliver a goodnews that might make her day and get out of her room at last.

Ngumiti ako sakanya at niyakap sya. "Thank you, pero gusto ko talaga puntahan si Mommy sa bahay. May balita ako para sakanya, sasabihin ko rin sayo pero uunahin ko muna si Mommy ha? Kasama kong tatakas si Marcus, nandun narin si Daddy oh my gee! Excited na ko makalabas so, shh ka lang okay? Hindi. Mo. Ako. Nakita. Ok? By---" Tumalikod na ako para kumaway paalis sakanya pero pinigilan nya ko.

"Hindi mo pa alam?"

Okay. There's something wrong I can tell from the look of her face.

"Ang alin?" She bit her lip and bowed her head. Bigla akong kinabahan, may nangyari ba na hindi ko alam?

"Y-your Mom...Andrea." Nakatingin sya sa mga mata ko. Mga matang hindi mo masabi kung iiyak ba o magkukunwaring ok lang ang lahat. Hindi ko na sya tinanong o pinatapos pa. Tumakbo ako agad palabas ng campus kahit harangan ako ng mga guard sa gate.

"San ang punta?" Tanong sakin ng isang guard.

"Get out of my way, I have to go." Bumibilis na tibok ng puso ko, kung ano ano na naiisip kong nangyari kay Mommy. What the hell happened to her? She was just in the house! Did she do something stupid like kill herself? Pero bakit nya gagawin yun? Alam kong may problema syang kinakaharap ngayon pero sana naman hindi nya makalimutang may anak pa sya. Nandito pa ko! Ma, anong ginawa mo?!

"Wala pang dismissal, balik sa loob." Tinuro pa nya sakin yung building sa likod ko na inuutusan akong bumalik sa loob.

"Something happened to my Mom. It's an emergency." I tried to walk right passed him pero hinawakan nya ang balikat ko. "Nasaan ang letter mo na may pirma ng dean? Hindi kita papayagang lumabas kung wala kang sulat na pinapayagan kang lumabas ng nasa itaas."

Naglakad na sya sa harapan ko at tuluyan ng hinarangan ang dadaanan ko. Nagsisimula na namang manlamig ang mga kamay ko. Nagagalit ako at the same time nagaalala ako kay Mommy at nagiinit ang ulo sa guard nato. I was about to do something I would really regret when I heard a familiar voice behind me.

"Let her pass." Lumingon ako sa likod at nakitang naglalakad palapit samin si Marcus na may hawak na papel. "Ito yung letter galing sa dean. Nakalimutan lang nyang dalhin." Binigay nya ang papel na hawak nya sa guard at kumindat sakin. Sinubukan kong ngumiti pabalik sakanya pero hindi ko kaya, I'm still thinking about my Mom.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon