"80% of women use silence to express pain, you know she's truly hurt when she chooses to ignore you."
Dedicated to dice_pcy
--
/DASURI/Week has passed, matapos kong makalabas ng hospital. Kahit anino ni Kai ay hindi ko na nakita. Marahil ay tinutupad na nya 'yung space na pinangako nya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang sakit na naramdaman ko matapos kong makita ang kagaguhan nila ni Hyena.
Akala nya ba maniniwala akong walang nangyari sa kanilang dalawa? Ha. Isa 'yong malaking kalokohan.
"Dasuri, iha, bumaba kana at kakain na tayo." Tawag sa'kin ni mama mula sa sala. Isinara ko naman 'yung box na kinaroroonan ng singsing ko bago sumagot rito.
"Susunod na po," Simula sa araw na 'to. Kakalimutan ko na ang lahat. 'Yung mga panahong nagpakatanga ako. 'Yung mga panahong hinayaan kong kawawain nila ang sarili ko. Dahil simula sa araw na ito, wala nang Kai na nag-eexist sa mundo ko.
Pagbaba ko sa kusina, sumalubong sa'kin ang mga magulang kong nakaupo na sa paligid ng mesa. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang tagal na rin since nung last na kumain kami ng sabay-sabay. Sobrang namiss ko 'to.
"Good morning ma, pa," saad ko sabay halik sa mga pisngi nila.
"Good morning din sa'yo, anak. Maupo ka na para makapagsimula na tayo." Pahayag naman ni Papa. Sinunod ko sya't naupo sa tabi nya.
"Woah! Ikaw ba ulit ang nagluto nito mama?" mangha kong pahayag habang pinagmamasdan ang mga nakahandang pagkain.
"Oo, alam ko kasing namiss mo nang kainin ang mga luto ko. Kaya gumising ako nang maaga para rito." Sagot naman ni mama. Biglang nagningning ang mga mata ko.
"Aww. Love na loves talaga ko ni mama ko. Hihi," natawa naman sila sa tinuran ko.
"Ikaw talaga iha, para ka paring bata kung umasta. May asawa ka na't laha't-lahat pero ang childish parin. Haha." Napasimangot naman ako sa tinuran ng aking ina. Kasasabi ko pa nga lang wala nang Kai sa buhay ko, ayan na agad.
"Honey," pigil ni papa kay mama. Mukhang nakatunog naman ito at nanahimik. Dahil biglang bumigat ang atmosphere sa paligid. Inilihis na lang ni Papa sa iba ang topic.
"Oo nga pala, iha. Ngayong araw na ang balik mo sa eskwelahan. Tama ba? Gusto mo bang ipahatid kita sa driver natin?" alok pa nito. Umiling-iling naman ako habang nagsisimula nang kumain.
"Wag na pa. Magba-bus na lang ako. Alam ko parin naman ang daan dito sa bahay natin e. Hehe." Simple kong sagot.
"Kung ganon, bahala ka. Pero kung magbago man ang isip mo, magsabi ka lang at ipapagamit ko sa'yo 'yung kotse." Ngumiti lang ako rito at nagpatuloy sa pagkain. Ito na ang simula, simula ng panibago kong buhay.
Pagkarating ko ng school. Nilibot ko ang paningin ko. Wala iyong gaanong pinagbago. Marami parin ang mga estudyanteng panay ang gala sa paligid. Kanya-kanya sa kanilang ginagawa na animo'y may mga sariling mundo.
"Riri? Riri!" napalingon ako sa lalaking tumatawag sa'kin. Nagulat ako nang paglingon ko, bigla ako nitong sinundot sa pisngi.
"Bang! Wahahaha. Nadali ko sya. Hahaha." Halos himatayin pa sya sa katatawa dahil nagwagi daw sya sa binabalak nyang pagbaril sa pisngi ko gamit ang hintuturo nya. Napakaisip bata. -____-
"Masaya kana nyan?" taas-kilay kong tanong.
Tumango-tango ito habang sobrang lapad ang ngiti. Napaismid naman ako, "Ewan ko sa'yo. Pumuslit ka na naman dito sa school namin. Siguro kasabwat mo 'yung bestfriend mo 'no?!" Wala naman kasing ibang pwedeng tumulong sa kanya bukod kay mokong. Konsitidor na kaibigan tss.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias