MALDITA 7

1.1M 25.7K 3K
                                    

MALDITA 7

As usual, pagdating na pagdating ko ng School ko ay nagsitigil ang lahat para matulala sa kagandahan ko. Being the Queen of this School, karapat-dapat lang nila akong hangaan. Pilit man o kusang loob nilang gawin 'yon, wala akong pakialam. Ang importante sa akin, ay kilalanin nila ako bilang Reyna ng School na 'to. Ako lang at wala ng iba pa.

Taas noo akong naglakad sa may hallway at agad akong nagpunta sa office ni Mikee Reyes. Hindi na ako kumatok at bigla na lang akong pumasok. Only to find out na wala sa loob ang taong hinahanap ko.

Isang tahimik, malinis at organized na opisina lang ang nadatnan ko. Black and white ang tema ng opisina nya. Maaliwalas at nakakarelax tignan. Ibang-iba sa inaakala ko. I'm expecting his office to be colorful dahil nga sa gender nya.

"Miss Chen, what brings you here?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang taong sinadya ko. He's wearing a pink long sleeves and white pants. Napataas din ang kilay ko sa ayos ng buhok nya. 'Yong bangs nya naka-ayos sa may left side at kung makatikwas wagas!Napakunot naman ang noo ko noong mapansin ang labi ni Mikee.

"Naka-lipgloss ka?" Bigla kong tanong.

"Of course! Ayokong magkaroon ng dry lips." Buong pagmamalaki nyang sagot sa'kin.

"Arte!"

"Teka nga, are you checking me out Miss Chen?" Gulat na tanong nya at napahawak pa sa bibig nyang bahagyang nakabuka.

"Yuck! Ang dirty ha!" Sabay pa naming sabi.

"Follow me." Utos ko sa kanya at nag-umpisa nang mag-lakad.

"Ano bang meron?"

Hindi ko sya pinansin at naglakad ako papunta sa School Garden.Hahayaan ko muna syang mamatay sa curiousity. Mas gusto ko 'yong ako lang muna ang nakakaalam. Noong nakarating na kami sa garden ay nagpunta agad ako sa pinakamalapit na bench.

"Ano ba 'yong sasabihin mo?" Tanong nya.

"About your ex-best friend." Tinignan ko pa sya para makita ang reaksyon nya.

Tulad ng inaasahan ko, nagulat sya at hindi agad nakapagsalita. Mag-best friend dati sina Mikee at Avy – yun ang akala ni Mikee. Pero dahil tuso ang kapatid ko, ginamit lang sya ni Avy. Ginawa syang tanga ni Avy. Tanga-gawa ng assignments, projects, partner sa mga school activities, naging alalay at kung ano-ano pang nakakatangang gawain. Binalaaan ko na sya noon tungkol sa kapatid ko pero hindi sya nakinig. Tulad kasi ng karamihan, naniniwala sya na mabuting tao si Avy...na totoo lahat ang pinapakita nito.

Until their highschool graduation came...lalapitan nya sana si Avy para i-congratulate pero hindi nya inaasahan ang itinanong sa kanya ni Avy.

"Who the hell are you?" Sabay layo sa kanya at lapit sa mga sosyalera nyang kaibigan.

Mahirap lang kasi si Mikee, hindi sya rich kid katulad namin at naging Scholar lang sya dito sa School namin kaya sya nakapag-aral at nakilala nya si Avy. Natural nandoon ako noong mga panahon na 'yon, graduation ng pinakamamahal na anak kaya kailangan present din ako.

"I told you." sabi ko kay Mikee noon.

"Ano namang meron sa babaeng 'yon?" Naiinis na tanong ni Mikee.

"Uuwi na sya."

"Bakit pa? Dito na naman sya maghahasik ng lagim? Doon na lang sya, wag na syang bumalik!"

"Chill ka lang. Parang mas malaki pa ata ang galit mo sa kanya kaysa sa akin. Kung maka-react ka dyan."

"Sorry. I can't help it. Fresh na fresh pa rin kasi sa utak ko ang pang-iiwan nya sa akin sa ere noon."

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon