21

26 3 0
                                    

Shin's POV

"May training kami, wanna come?" Pagyayaya sakin ni Kuya Miere pero umiling lang ako at humiga ulit sa duyan dito sa backyard namin.

"You're being too lazy. Ilang araw ka ng ganyan." Sabi niya bago umalis habang umiiling.

"Wala kang alam kung gano na ko kapagod." Bulong ko habang nakatingin sa langit. Tho nakakasilaw nang kaunti, keri naman ng sparkling eyes ko.

For the past few days na pag-iwas ko na naman kay Kris, nakakuha na ko ng sagot. Taking the risk is hard, but avoiding him is the hardest part.

Habang lumalayo ako, lalo ko lang siyang nami-miss. Lalo ko lang pinapamukha sa sarili ko na may gusto ako kay Kris. Na lalo lang akong nahuhulog sa kanya. And fuck his ass kapag hindi niya ako sinalo!

"May bisita ka, anak." Sabi ni nanay Corazon mula sa ulunan ko pero hindi pa rin ako bumangon sa pagkakahiga.

"May sakit po ako eh. Sa susunod na lang siya bumisita." Sabi ko at pumikit.

"Then I'll take care of you." Sabi niya at napabangon ako dahilan para mahulog ako sa duyan.

"Shit! Ayos ka lang, Shin?" Tanong ni Kris at tumango naman ako. Inalalayan niya akong tumayo at nakaramdam na naman ako ng abnormalities sa katawan ko.

"Yeah. I'm fine." Sabi ko at bumalik sa pagkakaupo ko sa duyan. Umupo naman siya sa kabilang dulo.

"You're wasting your time in here." Sabi niya sa 'kin nang seryoso.

"There's no time wasted when all you want to do is to be by yourself." Sabi ko nang hindi pa rin siya tinitignan.

"Then my time is wasted because I'm not with you." Sabi niya then I smirked.

"Edi yung oras mo asikasuhin mo."

"That's why I'm here."

"What do you want?" Tanong ko.

"It's been a while with no calls. Wala ka rin sa condo mo. Ang sabi sa "kin nila Delanxe may cancer ka raw sa buhok. I'm worried sick." Sabi niya.

"Naniwala ka naman na may cancer ako sa buhok?" Tanong ko sa kanya at napaiwas siya ng tingin sa 'kin. Nahawa na ba siya sa katangahan nila kuya at nila Delanxe?

"Anything can happen, Iris!" Pagtatanggol niya sa sarili niya. I smiled upon hearing him say Iris. No one calls me that, except him.

"Not me having a hair cancer. Hair goals kaya ako." Sabi ko at sinampal pa sa mukha niya yung never been touched kong buhok.

"Nasabi ko na rin dati na hindi ako magkakagusto sa isang babae na matakaw, mahaba ang buhok at matangkad. But look at me, where am I right now?" Tanong niya at napangiti ako.

"I used to, too. Dati ko na ring nasabi sa sarili ko na hindi ko gusto ng boyfriend. But here I am wanting you." Sabi ko habang nakatingin sa malayo at natahimik kami. I don't want to look at his eyes na sobrang laki. Naririnig ko na rin ang tibok ng puso niya sa sobrang tahimik namin.

"Stop joking around." Sabi niya ng natatawa.

"Do I look like I'm joking?" Tanong ko sa kanya at tumingin nang diretso sa mata niya.

"Shin!" Pagtawag sakin ni kuya Jin kaya naputol ang eye contact namin ni Kris.

"Aalis muna ako, sa 'yo muna 'tong si Hiro. Nagluluto kasi si nanay Corazon at yung mga maids day off. You're my last choice. I love you. Uwian kita ng panda." Sabi niya at dahan-dahan na inilapag si Hiro sa duyan at nanakbo na paalis. Ni hindi man lang ako nakapagsalita. Hindi nga man lang ako nakakurap.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon