50: Reinforcements

19.7K 757 59
                                    

"Mommy! Mommy, inaway ako ni Nicholas Thaddeus," isang batang babae ang tumatakbo palapit sa akin at agad na yumakap sa binti ko. Nasa limang taon na yata s'ya at nakasuot siya ng yellow green na dress at headband. At ang mahaba at tuwid niyang buhok ay kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw.

Teka lang. Tinawag n'ya ba akong Mommy?

Tinanggal ko ang pagkakayakap n'ya sa akin saka ako yumuko upang maharap s'ya.

Ngunit gan'on na lang ang gulat ko nang makita ang mukha n'ya. Kamukhang-kamukha ko s'ya n'ong bata ako. Yung mga mata n'ya, labi, hugis ng mukha, buhok, kuhang-kuha sa akin. Tanging ilong lang niya ang iba. Pero parang kilala ko kung kanino n'ya namana ang ilong n'ya.

"Mommy, away po ako ni Nicholas," aniyang humikbi pa kahit wala namang luha.

"T-Teka, baby, ah anong..."

"There you are. Mommy, sinira ni Tatiana Savenne ang laruan ko," isa pang bata ang papalapit sa amin ngayon. Lalaki naman ito at may iniwagayway na toy car na wala nang gulong.

Napaayos ako nang tayo nang makita naman ang mukha nito. Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko nang makita ang hitsura ng bata kahit na kakulay ng buhok niya ang buhok ko.

"Eh kasi sabi mo pangit ako," sagot ng batang babae.

"Eh biro nga 'yun. Kung pangit ka eh di pangit din ako kasi kambal tayo."

Kambal?

"Mommy, Mommy, spank her please," niyugyog ng batang lalaki ang kamay ko habang ang batang babae naman ay muling yumakap sa binti ko at umiyak.

Nasapo ko ang aking ulo. Teka nga. Ano ba'ng nangyayari? Bakit bigla na lang akong naging nanay ng dalawang makukulit na mga bata na 'to? Hindi ko nga alam kung paano ako naging ina tapos dalawa pa?

Kalokohan.

"Mommy."

"Mommy!"

"Nichola!"

Gulat akong napamulat ng mga mata nang marinig ang pagtawag sa akin ni Titus.

Disoriented akong napatingin sa paligid at nakita kong nandito pala kami sa mausoleum ng aming mga ninuno. Napansin kong madilim pa rin sa labas kaya ilang oras na pala kaming nasa ganoong sitwasyon.

Nasa harapan ko ang babaeng kumukuha ng dugo ko.

Nakatulog pala ako?

"N-Nichola."

Tumingin ako kay Titus at muntik na akong maiyak nang makita siyang hinang-hina na at namumutla. Si Nadine ay wala nang malay at si Matteo ay lungayngay na ang ulo kahit dilat pa rin ang mga mata n'ya.

Ang kambal sa panaginip ko, sigurado akong mga anak namin sila ni Titus. Was it my precognition power or just my wishful thinking?

Kung kapangyarihan ko 'yun ibig sabihin, gumagana ang witch blood ko dito kahit na may ginawang proteksyon si Lucinda dito.

Bakit hindi ko agad naisip 'yun? Hindi ba gumamit ng kapangyarihan n'ya si Lucinda kanina?

Tanga!

Kahit nanghihina ay pilit kong inalala ang mga natutunan ko noong nag-train ako sa palasyo ni Orpheus. Tatlong buwan akong nag-aral ng mga spell gamit ang mga lumang libro nito sa napakalaki nitong library.

Naalala ko ang silent spells. Magagamit ko 'yun ngayon.

I channeled my remaining energy to my mind. Naramdaman ko na mas nanghina ang katawan ko at pinagpapawisan ako ng malamig pero mas gumagana na ang utak ko ngayon.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon