Chapter 21: Maybe We're More

75.9K 982 124
                                    

Chapter 21: Maybe We're More

Noong iniangat ni Joana ng mukha niya mula sa pagkakayakap kay King, tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa hagdan. Nilapitan ko sila at hinaplos yung likod ni Joana.

“Jo?” mahina kong tawag sa pangalan niya. “Anong problema? Bakit ka umiiyak?”

Iniangat niya yung ulo niya mula sa pagkakapatong sa dibdib ni King at nakita ko na sobrang pula na nung mata niya pati na rin yung ilong niya na nagpapakitang kanina pa siya naiyak. Bigla tuloy tumaas yung level ng concern ko kay Joana.  

“Joana?”

“Ate!” At dali-dali siyang bumitaw kay King at ako naman ang yinakap niya. Binalik ko ang yakap niya at patuloy pa ring inahagod yung likod niya. Ganoon ko siya kino-comfort simula noong bata pa lang kami.

Habang nakayakap sa akin si Joana, napansin kong nakatingin sa amin si King. Doon ko lang din na-realize na third party pala ako ngayon.

Inilayo ko si Joana mula sa pagkakayakap sa akin, "Joana, iiwan ko muna kayo ni King para pag-usapan kung ano man ang bumabagabag sa'yo. I-text mo na lang ako kung gusto mo nang umuwi."

Bago ako umalis, tinignan ko siya sa mata na parang pinapahatid yung mga salitang, "Mag-uusap tayo mamaya."

Yinakap niya uli ako. "Thank you ate. I-enjoy mo yung party ha. Alam kong mag-aalala ka ngayong nakita mo kong ganito pero tanggalin mo muna ako sa isip mo habang nasa party tayo. Promise?"

"Promise," sinabi ko kahit mahirap iyong gawin. "O siya, bababa na ako. Jo, King," tiningnan ko siya at tinanguan niya ako. Para namang may ine-expect pa ako na gagawin si King at tinignan ko pa siya.

Pagbalik ko sa table nila, nakita ko si Dan Gab na nakuyakoy sa upuan niya. Hindi siya mapakali at lingon ng lingon. Noong lumingon siya sa direksyon ko at tumama yung tingin niya sa akin, yung nakakunot niyang noo ay parang dinaanan ng plantsa at umunat na uli. Tumigil na din siya sa pagkuyakoy tapos tumayo at sinalubong ako.

"A—"

"Saan ka galing?!" Hindi ko pa tapos yung apology ko kung bakit bigla akong umalis pero sinalubong niya na agad ako ng tanong.

"Ano kasi—"

"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Ang hirap mo pang hanapin dahil panay nakamaskara ang mga tao pare-pareho yung kulay ng damit."

"Sorry. Kanina kasi—"

"Sobrang nag-alala ako Sofia, alam mo ba iyon? Hindi mo pa dala yung cell phone mo. Hindi tuloy kita ma-contact. Akala ko ano na ang nangyari sa'yo. Akala ko iniwan mo na ako. Akala ko—"

"Dan!" Hindi ko na siya pinatapos. Para kasing nanay ito kung mag-alala. Daig pa nga si Mama kung magsermon. “Okay lang ako. Nag-CR lang. Kaso puno sa CR dito sa Hall kaya napunta ako sa SEM Building. Kaso na-lock kami—ako pala sa loob kaya hindi ako nakalabas. Sorry, hindi ko naman sinasadya eh—”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon