PAYMENT 2

5.6K 92 2
                                    

Dinama ko ang hanging tumatama sa katawan ko. Hinahangin din ang mahaba kong buhok. Napakasariwa ng hangin dito. Nakakawala ng problema.

"Ang saya! Nandito na tayo sa isla niyo Gray! Ang bait talaga ng lolo mo!"

Nasira ang momentum ko sa pagsasalita ni Apple kaya napadilat ako ng wala sa oras.

"It's nothing," preskong sabi ni Gray. Katabi niya si Mary na nakapulupot sa braso niya. Napatingin ako kay Chino na mukhang hirap na hirap na sa bitbit kaya nagpasya akong lapitan siya.

"Tulungan na kita."

Ngumiti siya saakin na parang nahihiya kaya kinuha ko ang dala niyang basket. Sa hindi inaasahang pangyayari ay dumulas ito sa kamay ko. Napakagat ako sa aking labi ng makitang natapon ang laman nitong mga pampalasa.

"Hala! Ang mga spices ko! Paano na yan? Hindi na sasarap ang lulutuin ko!"

Lalo ako napakagat saaking labi sa sigaw ni Apple. Wala talaga akong nagagawang mabuti. Napakawalang silbi ko.

"Pasenya na... gusto ko lang naman makatulong," mahinang usal ko.

"Makatulong? Sa tingin mo nakatulong ka sa ginawa mo? Tignan mo! Anong gagamitin natin? Mindy naman! Sana kung hindi mo kaya wag ka na lang umepal!"

Napapikit ako sa sigaw niya. Tama naman siya. Lalo lang nadisgrasya sa ginawa ko.

"Hoy Apple! Yan bibig mo lagyan mo ng preno! Sumusobra ka na! Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang pinsan ko!"

Humarang sa harap ko si Kate para dipensahan ako. Sa sobrang kaba ko ay tumakbo ako palayo sa kanila.

Bakit ba kasi ganto ako? Ang gaan-gaan lang naman nun, bakit kailangan pang madulas sa kamay ko?

Napasigaw ako ng bigla akong mapatid. Nanuot sa katawan ko ang hapdi at pagtingin ko sa tuhod ko ay dugo agad ang nakita ko. Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Wala talaga akong silbi.

"Mindy..."

Napatingala ako at tumambad si Kaine sa harap ko. Ngumiti siya saakin at nilahad ang kamay niya.

"Ayos lang ako," sinubukan kong ngumiti pero bigo ako dahil luha ang nilabas ng katawan ko. Narinig ko ang buntong hininga niya pagkatapos ay lumuhod siya kapantay ko.

"Hindi mo kailangan magpanggap na ayos ka lang lalo na sa harap ko."

Napahikbi ako sa narinig ko at hindi napigilang yumapos sakanya. Gumaan ang pakiramdam ko sa yakap niya, para akong may yakap na teddy bear.

Kung iisipin ay ang babaw lang ng dahilan ng pag-iyak ko pero anong magagawa ko? Mahina ako.

"Gusto ko lang naman tumulong... hindi ko naman alam na dudulas pala yung basket," paliwanag ko dito.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko na nagpakalma naman sa sistema ko. Nang wala ng luha ang umaagos sa mga mata ko ay inalalayan niya ko para umayos ng upo. Tinitigan niya ko mabuti pagkatapos ay ngumiti sakin na parang sinasabi ng ngiti niya na ayos lang ang lahat.

"Sigurado akong nagulat lang si Apple. Alam mo naman yun, ayaw na ayaw may nasasayang kaya wag ka na umiyak, okay? Hindi yun galit sayo."

Tumango tango ako sakanya pero hindi pa rin naalis ang lungkot saakin. Nagulat ako ng lumuhod ito sa harap ko at inangat ang shirt niya na agad niyang pinunas sa mukha kong may bakas pa ng luha. Natawa ako sa ginawa niya at ganun din siya. Bahagya kong pinisil ang tiyan niya na agad niyang tinampal ng mahina.

"Magiging abs din yan makikita mo!"

Tinawanan ko lang ang sinabi niya at ganun din siya. "Sayo ko unang papahawak pagnakaron na," sabi niya sabay kinday saakin na agad ko namang tinanguan.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon