Chapter 34: Kasintahan

3.7K 131 2
                                    









~*~












(Cashmere's POV)











Bahagya kong inalala kung paano ako napunta sa lugar na ito, dito sa Undrello, ang lugar na isinumpa ni Total, isa sa magkakapatid na Eclipse, ngunit bakit? Bakit nya ito isinumpa? Bat ako nandito? Anong kailangan ko rito?

Magpasalamat ka na nga lang Cash na buhay ka pa matapos kang lunukin ng lupa! Teka---lunukin? Oo nga pala..

Gowd! Si Patrick! Kasama ko syang nilunok ng pisting lupa?! Paano ako napunta rito kung nilunok ako ng lupa?!

Sheet! One sheet! Two sheet! Three sheet! Sheets! One pad of sheet!

Napalingon naman sa akin si Dennis nang mapansin nyang hindi ako mapakali.

"Anong problema?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.

Sasabihin ko ba sa kanya kung anong nangyari sa akin? Paano ba kasi nakapunta rito? Portal ba kanina yung dinaanan namin? Nasaan si Patrick? Anong nangyari sa mga kaibigan ko?

Hindi na ako nakapag-isip pa ng makarinig ako ng mga yapak na nagmumula sa labas ng silid na ito.

"Narito na sya." Bulong ni Dennis sa sarili.

Yung Pinuno?

Nakaramdam na naman ako ng matinding kaba. Ang pinuno ng Undrello. Makakaharap ko ang Pinuno nila!

Halos magwala ang puso ko ng tuluyang nagbukas ang pintuan at niluwa nito ang isang babae.

Wait what? Pinagmasdan ko ang babaeng papalapit sa amin.

Medyo may katangkaran sya, balingkinitan ang kanyang katawan, mestiza, may mapupungay na mga mata at kahawig nya si Dennis.

"Ina!" Pagsalubong sa kanya ni Dennis.

"Dennis, anak ko. Anong dahilan ng iyong pagbisita rito?" Nakangiting tanong ng babae.

Ina? Anak? Weh? Ang bata naman nya para maging ina!

"May nais po akong ipakilala ina." Nakangiting sagot sa kanya ni Dennis.

"Sino?" Excited na tanong ng babae---err ng kanyang ina.

Agad naman akong hinila ni Dennis papunta sa kanyang mga bisig.

"Nahanap ko na ang babaeng para sa akin ina. Sya'y si Cashmere, ang babaeng nagpatibok ng aking puso sa maikling panahon."

Hindi naman agad na nagsink-in sa utak ko ang sinabi ni Dennis. Ano daw ako? Ano daw?

Natauhan lamang ako ng makarinig ako ng impit na tili.

"Kyah! May kasintahan na ang anak ko!" Tili ng babae sa aking harapan. "Ako si Simera, ang pinuno rito sa Undrello, ang magiging pangalawa mong ina at magiging lola ng inyong mga anak. Tawagin mo akong ina Cashmere." Nagmamakaawa nyang sabi sa akin.

Kahit na naguguluhan, hindi ko naiwasang mapatango.

Pinuno-Ina-Lola-Kasintahan.

What.The.Hell.

I'm in a Big Trouble!

Ano na nga palang ulit nangyayare? Mahihimatay na talaga ko, in 3...2...joke, wala akong balak, di ko masusubaybayan ang istorya.












**









"Binibining Cashmere, ilang beses ko bang kailangan ulitin sayo na huminahon ka? Magpapanggap ka lamang sa marami na ako'y iyong kasintahan para makalaya ka sa lugar na ito ng hindi sugatan." Bagot na sabi sa akin ni Dennis habang nakapangalumbaba.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon