51: The Battle

20.5K 699 37
                                    

Nabuhayan ako ng loob nang makita ang mga bagong dating. Pakiramdam ko ay hulog sila ng langit at sila ang sagot ng aking dasal kahit hindi naman ako nagdasal.

"Marunong ka bang makipaglaban, Noelle?" tanong ni Nadine. "At sobrang yellow ng outfit mo. Madali kang makita n'yan."

Umingos si Noelle. "I trained. I'm a great fighter," aniya sabay taas ng kanyang hawak na long sword.

Gusto kong matawa dahil hindi talaga bagay sa hitsura n'ya ang makipaglaban. Nakasuot siya ng hapit na leather jacket at pants na parehong kulay yellow. Puti naman ang boots niyang may four inches na takong. Naka-high bun naman ang buhok niya.

Pero kung may training siya, why not?

"So, let's go?" yaya ni Matteo na pinatunog pa ang mga buto sa kanyang mga kamay.

"T, you lead the way," ani Noura na nakangiti ng sobrang landi kaya napasimangot nanaman ako pero tinawanan lang n'ya ako.

"Nichola, try to see what Lucinda is up to now," baling sa akin ni Titus kaya agad na kumunot ang noo ko.

Nakapagpahinga nanaman ako kaya kaya ko na siguro ito.

I closed my eyes and thought of the mausoleum. Agad na naglakbay sa katawan ko ang pamilyar na sensasyon na lage kong nararamdaman sa tuwing ginagamit ko ang kapangyarihan ko. Kasunod n'on ay ang paglabas ng pamilyar na lugar kung nasaan sina Lucinda.

May pentagram na nakaguhit sa sahig d'on at pinalibutan iyun ng mga kristal. Sa bawat point ng pentagram ay may kandila na may apoy na kasingpula ng dugo.

Tiningnan ko pa ang paligid. Nakita ko sa labas ng mausoleum ang mga bampira kasama si Florence. Lahat sila ay naghihintay na matapos ang ritual ni Lucinda.

At nag-init ang ulo ko nang makita ang pamilyar na mga mukha ng mga witches na nagpunta sa side ni Lucinda sa pangunguna ng mga Akitson.

Mga traydor! Marami-rami rin pala sila.

Nakita kong mas lumakas ang apoy sa bawat kandila at tila mas lumakas ang pagcha-chant ni Lucinda sa kanyang spell.

Pilit kong binuksan ang mga mata ko at nang makabalik ako sa sarili ko ay napansin kong hawak na pala ako ni Titus sa beywang.

"Are you okay?" banayad na tanong niya at tumango naman ako.

"Patapos na ang ritwal ni Lucinda kaya kailangan nating magmadali," seryoso kong sabi kaya sabay-sabay silang tumango.

Maayos naman akong itinayo ni Titus.

"Tara na bago pa nila matapos ang ritwal," ani Nadine.

"Alright. Follow me," sabi ni Titus saka nauna nang tumakbo papunta sa kakahuyan.

Walang salita na sumunod na lamang kami sa kanya.

Mabilis ang bawat pagtakbo namin upang maabutan at mapigilan sina Lucinda. Kapag nainom na nila ang dugo namin, ibig sabihin, mahihirapan na kaming pigilan sila. Or worse, they would be unstoppable.

Marami ang dugo. Pati ba mga tauhan nila? Ang mga Turned at witches?

Evil night creatures should not be given such strong powers.

"This is gonna be fun," narinig kong komento ni Noura habang patuloy kami sa pagtakbo.

Napailing na lang ako. Bakit hindi sila natatakot? Wala silang extra na kapangyarihan.

Nang mamataan ko na ang mga tauhan ni Lucinda na palakad-lakad ay alam ko na agad ang nangyari.

Kakaiba na ngayon ang aura nila. Mas nagmukha silang nakakatakot.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon