Chapter 34

50 5 1
                                    

KAYLE

We spent the whole day on the orphanage. Honestly, it was really worth it. Ang saya nila kasama, pakiramdam ko naging bata ulit ako.

Nalaman ko rin na kaya orphanage pa rin ang tawag dito ay dahil halos kalahati ng mga batang nandoon ay iniwan na ng kanilang mga magulang dahil hindi nila ito kayang buhayin.

"Ate, babalik po kayo dito 'di ba?" tanong ni Jaycee.

Nandito kaming tatlo sa isang bench, nakaupo, sa gitna si Jaycee.

Tumango ako, "Oo naman. Kailan mo ba gusto? Hindi kasi pwedeng araw-araw, may pasok kami."

Nilagay niya ang kamay sa baba na parang nag-iisip.

"Pwede po ba sa birthday ko?" sabi niya.

"Kailan ba 'yun?"

"Sa February 1 po," sabi niya.

Ngumiti ako, "Sige, dadating kami."

"Promise po?"

Tinaas ko ang kanang kamay ko, "Promise."

"Jaycee!" tawag ni sister at naglakad papalapit sa amin.

Kinarga naman ni Cal si Jaycee.

"Naku, alam kong gusto niyo pang makasama si Jaycee pero kailangan pa namin siyang kuhanan ng dugo para sa test, eh," malungkot na sabi nito.

"No, okay lang po sister, para kay Jaycee naman 'to eh," lumingo ako kay Jaycee na ngayon ay nakayakap kay Cal. "'Di ba Jayce?" nakangiti kong tanong.

"Opo ate," masaya niyang sagot.

"High five," sabi ni Cal at nag-high five ang dalawa. "Maging malakas ka okay? Marami pa tayong papasyalan ng ate Kayle mo."

Masaya siyang tumango habang pumapalakpak, "Talaga po kuya?"

"Yep," sagot ko,

"Yehey!"

Binaba na siya ni Cal at pinagmasdan namin silang pumasok ni sister sa bahay.

"Bye po!" he waved his hands.

"Bye Jayce," I waved back.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Cal.

"Tara na? It's almost 4pm," he said.

I nod at naglakad na kami palabas.


***


Time flew by so fast and it's already Christmas day!

Maraming bata ang nangangarolling and I can't help but to remember Jaycee.

"Kamusta na kaya siya? I hope their Christmas is good," sabi ko.

"Of course," Cal said. "Hindi naman sila pinapabayaan nina sister eh."

"Hmm," I nod.

Cal and his family are in our house, our parents decided to throw a party here. Our friends' families are invited too.

"Tara sa loob," aya niya at tinulungan akong tumayo.

Pagpasok namin, rinig na rinig na agad ang lakas ng tugtog galing sa veranda papunta sa living room.

"Merry Christmas!"

"Sis!" tumakbo papalapit sa akin si Cielo, nasa likod niya naman si Wade.

"Merry Christmas, bro," nakangiting bati ni Wade kay Cal.

"Merry Christmas sa inyong dalawa," I said.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon