Chapter 15

3 0 0
                                    

Chapter 15


Nang nakarating kami sa tinitirhan nila Lei ay inihiga muna ni Drake si Lucas sa kama dahil nakatulog ito. Pinalibutan din namin ng unan sa gilid para hindi mahulog ang bata.

Tahimik na umalis kami at pumunta sa may pintuan. "Salamat sa inyo ah, Marge and Drake."

I smiled, "Walang anuman yun Lei. Sa susunod ulit."

Tumango naman siya at hinayaan na namin na balikan niya ang anak niya. Kami na ang nagsara ng pintuan.

We walked back to our cottage as well. Tahimik lang kami. Bumabalik sa pagiging awkward namin sa isa't isa.

"Mamili muna tayo ng kailangan natin para sa cottage?" Basag niya sa katahimikan nang malapit na kami sa tinutuluyan namin.

"Sige Dre," sumang ayon na ako dahil iilang araw din naman kami mag stay dito sa resort.

"Okay Marge. Kukunin ko lang ang susi ng sasakyan tapos kailangan din nating iwan iyang camera."

Tumango lang ako at tinitignan ang mga pictures. Ako kasi ang nagdala ng camera niya dahil siya ang kumarga ni Lucas kanina. Ang ganda ng puro nature pictures na kinuha niya! Maganda naman kasi talaga ang scenery dito.

Ini off ko na ang cam. Pagkapasok namin sa cottage ay nilagay ko iyon sa mesa na kinuha niya naman at nilagay sa lalagyan talaga ng cam.

"Uhm.. Mag hihilamos lang ako saglit Dre!" Tawag ko sa kaniya habang papasok ako sa kwarto ko.

"Okay!"

Dali-daling pumunta ako sa banyo at naghilamos. Baka sermonan pa ako kung magtagal ako. Nang matapos ay kinuha ko ang towel at pinunasan ang mukha ko.

Naglagay muna ako ng lip gloss sa lips ko tsaka ko kinuha ang glasses at shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko siyang naghihintay sakin sa may sala. Nagbihis siya ng bagong t-shirt. Sana pala nagbihis din muna ako.

"Tara na?" Tanong niya sakin nang namataan ako.

I nodded. "Yes."

Nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Ini-lock niya muna ang pintuan ng cottage bago ni-click ang key para mabuksan ang sasakyan niya.

Nilingon ko siya nang nakaupo na siya sa driver's seat at kasalukuyang nagsi seatbelt. "Saan tayo bibili?"

"Seatbelt first." Ininguso ni Drake ang seatbelt kong hindi ko pa nasusuot.

Dali-daling akong nag-seatbelt. Ini-start niya na ang engine nang matapos ako.

"There's a mart not far from here. Doon tayo bibili ng gamit."

"Ahh, okay."

Halos sampung minuto rin bago kami nakarating sa isang Jane's Mart. Two storey building ito.

Ang nasa ground floor ay pang groceries lahat. Ang nasa second floor naman ay pang school needs.

"Sa taas muna tayo! Gusto kong tignan," sabay hila ko kay Drake.

"Oh-okay."

Puro school materials nga ang andito. From bondpapers to crayons. Lahat yata talaga nandito na sa mart na 'to. Konti-konti nga lang ang stock.

May napansin akong parang story book na may maraming kulay. Nilapitan ko iyon. Isang coloring book pala. Adult coloring book actually.

Kumuha ako ng isa. 479 pesos ang price. Ang mahal naman. Kaya siguro wala masyadong bumibili nito. I sighed. Nagtitipid ako ngayon kaya hindi ko ito kayang bilhin. Binalik ko nalang ang coloring book.

"Sa baba na tayo Dre?" Yaya ko sa kaniya.

Tumitig lang siya sakin na nakakunot ang noo. "Huy!" Pinitik ko ang noo niya.

"Wala. Tara na nga."

Siya na ang naghatak sakin pababa ng mart. Binitawan niya lang ako nang kumuha siya ng isang grocery cart.

Hindi lang naman kami ang andito at bumibili. Marami rami kami. Panay nga lingon samin ng mga babaeng nandito. I mean panay ang lingon nila kay Drake. Para naman kasi siyang artista kahit na normal lang naman ang suot niyang puting v-neck shirt at light brown shorts.

Sumunod lang ako sa kaniya. "So, sanay ka ng mag grocery para sa sarili mo, noh?"

"Yup."

"Ahhh.."

Okay. Awkward na ulit.

Nasa may mga dry goods kami. Kumuha siya ng gagamitin panghugas. May mga plates at spoon & fork naman doon sa cottage kaya di na kami bibili non.

Kumuha ako ng strawberry liquid soap at iba pang necessities na pang babae. Si Drake rin kumuha ng para sa kaniya.

"Ako na ang magluluto mamayang gabi," pagbigay alam niya sakin habang kumukuha ng mga rekados at iba pang gagamitin niya.

"I can help!" Kahit na ba limited lang ang alam ko sa kusina. Nasa dalawa o tatlong putahe lang yata ang kaya kong gawin e. Nakakahiya naman kung lalaki pa ang paglulutuin ko, eh ako itong babae.

Lumingon siya sakin at nakataas pa ang kilay niya. "Wag na. Kaya ko na 'to." With much finality pa ang pagkasabi niya. Edi ikaw na ang magluto Dre! Tss.

"Aww. Okay. If you say so.."

Nasa counter na kaming dalawa at ang magbabayad ay si Drake. Kasi siya daw ang lalaki. Nakasimangot pa ako. Seriously, hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako o hindi.

Habang nilalagay ko ang mga gamit ko kanina para ako ang magbayad ay, "Ako na ang magbabayad niyan Marge."

Nilingon ko siya. "No. Ako na. Akin naman 'to e. Tsaka may dala akong pera!"

"No. Ako na nga sabi! Ako itong nagyaya sayo na mamili at ako ang lalaki. Ako dapat ang magbabayad!"

"Hindi! Ako na!"

"Ako nga kasi!"

May tumikhim sa likuran ni Drake. Dalawang matandang mag-asawa. Ang matandang lalaki na nasa 70's ang edad ang nagsalita.

"Sa mag-asawa, ang lalaki talaga dapat ang gumagastos. Paki bilisan lang Hijo. Marami pa kaming nakasunod sa inyo." Sabay tapik ni Lolo sa balikat ni Dre.

Nagsalita rin si Lola. "Sige na Hija. Hayaan mo na ang asawa mong magbayad."

Nanlaki ang mata ko! She did not just say that! Hindi kami mag-asawa ni Drake, Lola at Lolo!

Ngunit bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Drake.

"Sige na dear, ako na magbabayad niyan." Ginamit niya pa ang pinaka malambing na boses na magagamit niya.

Aba't hinahamon talaga ako ng lalaking 'to ah!

Pinandilatan ko siya at hinayaan nalang dahil marami na ang naki-usisa samin.

Walang salita at dumiresto na ako sa unahan. Narinig ko pa siyang humihingi ng dispensa sa ibang tao.

"Pasensya na ho kayo. Nagkatampuhan po kasi kami kaya ganiyan."

"Naku! Aba! Suyuin mo siya Hijo."

"Opo!"

Tss. Best Actor ka na talaga Dre. Ewan ko sayo. Ng dahil lang sa gusto kong ako ang magbayad! Tsk.

Nakasimangot parin ako habang hinihintay na matapos ang bagger sa paglagay ng pinamili namin sa plastic cellophane. Pagkatapos ay si Drake narin ang nagdala dahil sa mabigat daw kuno iyon.

Naglakad na kami paalis ng mart at patungo sa sasakyan ni Drake.

Her Messy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon