Ako Muna

2.3K 81 13
                                    

Kasalukuyang nasa ABSCBN building ngayon sila Vice at Karylle kasama ang ibang mga hosts. Katatapos lamang ng Showtime kaya't nag-ayos na sila ng kani-kanilang mga gamit upang makauwi na.

VICE: (knocks on K's dressing room door) K?

KARYLLE: Yes Vice?

VICE: Pwede tayo mag-usap?

KARYLLE: Sure.

Lumabas muna ng dressing room ang glam team ni Karylle upang bigyan ng privacy sila Vice at Karylle. Basta kasi nagtanong ng ganoon si Vice, alam na nilang ibig rin nitong sabihin ay iwanan muna silang dalawa sa dressing room.

KARYLLE: Oh? Bakit?

VICE: Ano yung nabasa ko sa Twitter? May tour sa US sila Yael?

KARYLLE: Ah, sa Canada yun. Halos one week din sila doon. Why?

VICE: Ahm... ano kasi...

KARYLLE: Ano yun? Tell me.

VICE: Pwede ako dumalaw sa condo nyo? Dalaw lang talaga. Hindi ako mag-oovernight or anything. May asawa ka na eh. Bilang respeto nalang din kay Yael. Gusto ko lang makipagbonding sa'yo. Yun lang.

KARYLLE: (chuckles) Dami mong sinasabi. Oo naman. Pwedeng pwede.

VICE: Yes! I'll see you tonight?

KARYLLE: Okay! Magluluto nalang ako ng dinner. Ano bang gusto mo?

VICE: Keri mo ba magluto ng caldereta for tonight?

KARYLLE: Oo naman. Dadaan nalang ako ng grocery before I go home para makabili ng beef.

VICE: Yehey! Thanks K! See you later!

KARYLLE: Sige, see you! Ingat ka.

Kinagabihan, katatapos pa lamang magluto ni Karylle at kasalukuyang inaayos ang dinner table nang may magbuzzer. Sumilip sya sa peephole at nakita ang matangkad na lalaki na nakahoodie. Pinagbuksan na nya ito ng pinto dahil alam naman niyang si Vice iyon.

VICE: (sniffs) Ang bango ah!

KARYLLE: Syempre. Kakatapos ko lang magluto halos. Gutom ka na ba?

VICE: Oo eh. Di ako nagmerienda para dito.

KARYLLE: Huy! (hampas ng mahina kay Vice) Masama sa'yo nagpapalipas ng gutom. Pag yang acid reflux mo sumumpong na naman.

VICE: Sorry na po. Tara, kain na tayo. Natatakam na talaga ako sa luto mo eh.

KARYLLE: Ay sige. Go! Tara na.

Naupo na sila sa dining area. Natutuwa naman si Vice dahil pinagsisilbihan sya ni Karylle. Siya ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Vice. Nagpasalamat lang si Vice at sumubo na rin agad. Napangiti nalang sya nang may naisip na kalokohan.

VICE: Hmm... Parang lutong expert!

Nahinto naman si Karylle at tinignan si Vice. Nagpipigil ng tawa si Vice hanggang sa inirapan na lamang siya ni Karylle.

VICE: (laughs) Joke lang, K! (laughs) Pero masarap talaga, as in!

KARYLLE: Ewan ko sa'yo! Lakas mong mang-asar.

VICE: Pero gumamit ka nun? Yung Quick and Easy ba yun?

KARYLLE: Hindi!

VICE: Tampo naman agad 'to. Sorry na. Nagbibiro lang ako.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon