Chapter 43

196K 1.8K 15
                                    

CHAPTER 43

Hindi kami nagimikan ni Dylan sa buong byahe. Parehas kaming natahimik matapos nya akong sigawan.

Masakit yung kinakausap pa pala nya ang babaeng yun, masakit kasi nilihim nya sakin, masakit dahil dinepensahan nya ito, masakit dahil hindi sya nagsorry pero ang pinakamasakit ay yung maramdaman na sa buhay nya ngayon, ikaw yung saling pusa at si Monica ang bida.

Hindi ko alam kung dala lang ba to ng pagbubuntis ko pero pakiramdam ko pagod na kong ipilit ang sarili ko sakanya. Who knows, maybe the only reason why he's still around is because of this child.

Pagkadating namin sa bahay ay hindi na akong nagdalawang isip pa na bumaba ng kotse nya. Bukod sa masama ang loob ko sakanya, kelangan ko na magsuka!

My goodness. This pregnancy is so damn hard! Bukod sa napakatakaw ko at choosy ako sa pagkain, ang bilis din ng moodswings ko, maging ang mga hormones ko laging active! Tapos ang pinakapangit sa pakiramdam ay yung ganito, masusuka suka ako and bullshit, nahihilo ako ng bahagya.

Letse naman oh.

Pagkarating ko sa kwarto ko, banyo ang una kong pinuntahan. Napakahirap mabuntis.

Pero mas mahirap kung yung ama ng anak mo ay di ka maalala.

I felt sleepy afterwards kaya naman iniiyak ko na lahat ng sama ng loob ko hanggang sa makatulog ako. I hope bukas okay na ang lahat.

He didn’t pick me up. Nagdrive akong mag-isa. Ayaw nila dad pero mapilit ako. I just made an excuse for Dylan. I said meron syang therapy. Kahit na ang totoo nga ay hindi ko alam kung bakit nya ako hindi sinundo.

Sadly, hindi ko rin sya nakita maghapon. Tessa’s eyes were glued on me. Si Martin nakakapanibago rin. Hindi nya ako kinukulit but his looks tell otherwise. They are up to something, I could feel it.

I decided to surprise Dylan. Tama. I need to make it up to him. I went to their house at nakita ko syang naglalaro lang ng video games. He smiled at me.

“Sorry.” Sabay naming sabi. Natawa din kami pareho.

“You don’t have to be sorry, ako dapat ang magsorry.” Aniya. “I’ve been a jerk.” He said. Hindi ko na napigil pa ang luha ko. Dammit! Hirap magbuntis, masyadong emotional. “Hush now, baby.” Aniya then he kissed me.

I missed his lips, yung ganitong halik nya. Hindi ko inakala na mahahalikan pa nya ako. It felt good. Hindi ko na rin namalayan kung gaano kami katagal na naghahalikan. Ang susunod na lang na namalayan ko ay nasa ibabaw ko na sya. His eyes were filled with desire.

“Okay lang ba?” Nagaalalang tanong nito.

Tumango naman ako.

“I’ll be gentle.” He said before making his way inside me.

It was the same old passionate love making we did. Ganun pa rin. I couldn’t stop myself from chanting his name over and over again. He made me reach cloud nine for countless times.

“That’s the best sorry I ever had.” I whispered as we lay naked on his bed. He was cuddling me. Parang normal lang, parang noon lang. Nararamdaman ko, maayos pa namin ito. The Dylan who loved me isn’t gone, he is just hiding at kailangan ko lang na palabasin sya. I could do it.

I tried not to be stressed. May remaining one week pa kasi ako sa school bago maapprove yung pagdrop ko ng subjects. I just have to finish my preliminary exams. Nalaman na din nila mommy at daddy ang kalagayan ko. Siguro sila ang nagsabi sa parents ni Dylan kaya heto, andito sila ngayon sa bahay. Even Dylan is here.

Naging okay naman kami ni Dylan right after that intense thing we did sa loob ng kwarto nya. Ganun ulit sa dati pero may mga pagkakataon na nababalewala nya ako. But that is okay, alam kong nagaadjust pa sya.

Yun nga lang, hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Kaya ba sya andito lang dahil sa bata? Hindi nya ako maalala, yung feelings pa kaya nya para sakin?

Tinabihan ko si Dylan. Hindi lang naman to para sakin at sa anak ko, para na rin to sa mga magulang namin na naniniwalang mahal pa rin ako ni Dylan. Masaya kaming nagkkwentuhan lahat. Pansamantala kong hindi pinansin ang duda na nararamdaman ko.

"Teka, cr muna ako." Paalam ni Dylan.

Pinagpatuloy lang namin ang ginagawa naming katuwaan. Syempre hindi ko pa rin pinapansin si Monica. Sadyang mga kaibigan lamang ni Dylan ang pumapansin sakanya. Sampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Dylan kaya't napagdesisyunan kong sundan sya.

Nabigla ako nang nakasalubong ko si Daddy.

"Dad? Nakita mo ba si Dylan?"

"Ah.. ha? Oo, nakasalubong ko kanina, andun ata sya sa banyo." Aniya tapos ay lumakad na sya pabalik sa pool. Anong nangyari dun?

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagpunta sa banyo ngunit si DYlan naman biglang sumulpot din.

"Ang tagal mo ata?" Tanong ko sakanya.

"Sumama lang ang tyan." Ngiti nyang sagot na syang nakapagpataas naman ng kilay ko. "Tara na?" Anyaya nya sakin tapos ay inakbayan ako. Wow. Inakbyan ako? Anong meron?

Nairaos ng maayos ang mini get together na iyon. Kahit pagod, nagpapasalamat ako dahil medyo napawi ang stress na nararamdaman ko kahit pa nalaman kong laging magkasama ang dalawa.

Bukas, isang linggo na lang ang pagtitiis ko sa stress na dala ng school works.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon