Chapter 113

883K 34.1K 13.1K
                                    

Red Box

Jay-jay's POV

Tatlong oras! Oo... Binilang ko talaga. Binilang ko kung ganu na ko katagal na nakatitig sa maliit na pulang kahon.

Hindi sa wala akong magawa sa buhay ko kaya tinitigan ko nalang to. Pero hindi ko kasi maiwasan. Hindi na nga ako nakagawa ng assignment sa kakaisip sa kahon na to.

May assignment nga ba?!

Next time ko nalang iisipin yun. Weekend naman, marami akong oras para gawin yun. Sa totoo lang, nababangag na ko sa kakatitig dito.

Kaylangan ko kasi ng kasagutan sa maraming tanung. Syempre una na dyan yung tanung na 'Bakit?'. Bakit nya ko binigyan ng singsing? Birthday ko ba? Hindi naman.

Sunod na tanung ko, 'Para saan?'. Para saan tong singsing na to? Sign of friendship?

At ang huli kong tanung ay, 'Anu?'. Anu ba talaga nangyayari kay Yuri at Anu'ng naglalaro sa isip nya? Walang magawa sa pera? Sya na mayaman.

Nakamot ko nalang yung anit ko sa inis. Gustuhin ko man kasing itext or imessage si Yuri, ayaw naman makisama ng kamay ko. At hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Singsing ba yan?" Tanung ng kung sino dahilan para magising ako sa malalim na pag-iisip.

Agad kong tinignan kung sino yun.

"T-tita..." Sabi ko at tinago yung box sa kumpol ng unan.

"Tinago mo pa, eh nakita ko na." Sabi nya at naupo sa tabi ko.

"W-wala po yan... W-wag nyo na po pansinin."

Nginitian ako ni Tita. Para bang nang-aasar sya at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Bigla nalang nyang kinuha ko yung box. Kahit nasa kumpol ng unan, nagawa pa rin nyang makuha.

"Patingin ako." Sabi ni Tita pagkakuha nya.

Hindi na ko nakapag-salita. Hawak na eh, anu pa magagawa ko.

Binuksan nya yung box at kita'ng kita ko ang pamimilog ng mata nya sa pagka-mangha.

Tinanggal nya yung singsing mula sa kahon at sinipat-sipat.

"Diamond ring... May nag-aya naba sayong magpakasal?" Tanung ni Tita.

Mabilis akong sumagot ng iling. "W-wala po... Bakit?"

"Nakita ko na sa magazine ang singsing na to. Engagement ring to."

E-engagement ring?

Bakit ako binigyan ni Yuri ng engagement ring? Sumasakit ang ulo ko. Lalu akong naguluhan sa nangyayari.

Bigla'ng kinuha ni Tita Gema yung kamay ko. Dahan-dahan nyang sinuot yung singsing sa daliri ko.

"Sukat na sukat..." Sabi nya at ngumiti ng malapad sakin.

Agad ko namang hinubad yun singsing at binalik sa kahon. Kailangan kong maka-usap si Yuri. Kailangan nyang linawin sakin kung para saan to.

"Sino bang nagbigay sayo nyan?" Mapang-asar na tanung ni Tita.

Napakagat ako ng ibabang labi. Nakakaluko ata kung sasabihin kong kaibigan ko.

"Isang tao po na hindi-ako-sigurado-kung-gusto-nga-ako."

Bigla nalang tumawa ng malakas si Tita. Hindi ko alam kung nakakatawa ba yung sinagot ko o anu.

"Binigyan ka ng singsing tapos hindi ka sure kung gusto ka?" Tanung nya sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon