Chapter 34

462K 8.5K 5.6K
                                    

Chapter 34

"Whoa." Yun na lang yung nasabi namin pagdating namin sa location na sinabi sa amin ni Cyriel.

"Corrupt kaya yung tatay ni Ynna?" Tanong ni Sara.

"Huh?" Tanong naming lahat.

"Eh kasi, tignan mo naman, rest house lang to pero shet, mansion. I wonder kung may ginagawa ding under the table transactions yung tatay ni Ynna."

Bigla namang natawa si Nof, "Sara, alam mo, kahit hindi governor ang daddy ni Ynna, mayaman talaga sila. May ari sila ng iba't ibang plantations sa Davao at Bukidnon. Ang lolo at lola niya, maraming investments sa iba't ibang multi-national companies kaya wag mo ng pagdudahan yung daddy niya."

Tumango tango naman si Sara, "Okay. Pasok na tayo sa loob." Tignan mo tong babaeng 'to. May 360 degree shift of mood eh.

Pagpasok namin sa mismong villa, wala si Cy o Ynna, may isang lalaki lang na lumapit sa amin. "You must be Cyriel's friends?"

"You are?"

"Kill Henares, Ynna's cousin. She's already asleep so i'll be accompanying you to your rooms." Sabi niya sabay talikod. 

"Tss. Ang hangin niya." Comment ni Nof.

"I agree." Sabay naming sabi ni Sara.

"Hindi kaya. Ang pogi niya." Sabi ni Kim sabay twinkle ng mata.

"Magtigil ka nga. Akala ko ba may boyfriend ka na?" Sabi ni Nof. Oo nga pala, 'boyfriend' niya si Clarence. Alam kaya ni Cy yun?

"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan yung busangot na lalaking yun." Tawa naman kaming lahat. Alam na naming lahat na si Clarence pala na kapatid ni Cy ang tinutukoy ni Kim na boyfriend niya. Siya na lang yata ang hindi nakakaalam. "At dahil may boyfriend na ako, immatchmake ko na lang kayo, Nof. Malay mo pag nagka love life ka, mabawas bawasan na yung pang aapi mo sa'kin."

O_o ---- Reaction ni Nof.

"Bakit speechless ka? Ayieeee. Type mo si Kill noh?!"

"H-hindi ah! Hinding- hindi kaya! Ang kapal ng mukha mo!"

"Hahahaha! A strong negative is a positive. Type mo nga siya." Sabay takbo ni Kim. Tapos ayun, naghabulan na sila.

"Isip bata talaga yung mga yun." Sabi ni Andy.

"Okay lang yun, at least masaya sila." Sabay yakap ko sa kanya.

"Sabagay." Tapos kiniss niya ako sa noo.

Umakyat na kami sa kanya kanyang room assignments namin. Magkasama kaming apat na babae sa isang room. Magkasama naman si Andy, Dave, Cy, at Kill sa isang room. Kasama naman ni Ynna yung dalawang pinsan niyang babae sa kabilang room.

"Haaaaaay." Sabay naming sabi pagkahiga sa kama. "Nakakapagod yung byahe. Pero gusto kong magswimming."

"Bukas na, Dana. Tulog muna tayo." 

"Tulog na kayo. Swimming muna ako. Sayang yung hype ko eh."

"Sige. Akyat ka na lang pagkatapos mo."

Tapos nun, kumuha na ako ng swimsuit ko. Sumilip ako sa room ng boys pero tulog na si Andy at Dave, si Kill naman, may kausap sa phone. Si Cyriel siguro nasa room ni Ynna.

Bumaba na ako sa pool tapos nagswimming na ako. Nakakatanggal talaga ng stress. Mga 20 minutes din akong continuous lumalangoy nung umahon ako. Umupo ako sa edge ng pool.

"Sht. Nakalimutan kong kumuha ng towel. Pano ako aakyat." Sabi ko sa sarili ko. Ang lamig pa naman kasi gabi na.

Bigla akong napalingon kasi may naglagay ng towel sa akin, "Cy?"

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon