Chapter 114

922K 35.3K 9.9K
                                    

Author's Note: Hi mga ka-Section E! 🏁🏁🏁 Lang ako ng mga story that you could also check.

Ay Nahulog!! Tinulak kasi...
By: eatmore2behappy
The Unexpected Guy
By: BernadethLopez5

Thank you!!

+++++++++++++++++++++++++++

Decision

Jay-jay's POV

Nag-aalangan akong pumasok. Parang mas gusto kong mag-stay sa bahay at magkulong sa kwarto.

Nakaka-bungol isipin kung susundin ko ba yung sinasabi ni Aries. Ayoko'ng umalis sa Section E, higit pa sa kaibigan at kaklase yung turing ko sa kanila.

Pero gusto ko ng maka-usap si Papa. Kapag naibigay na sakin ni Aries yung contact number nya, makaka-usap ko na sya.

"Bakit nandyan kapa? Baka malate kana." Puna sakin ni Tita Gema.

Nakatayo lang kasi ako sa may gate. Isang hakbang nalang nasa labas na ko pero pinili kong huminto.

"Iniisip ko lang po kung may nakalimutan ako." Palusot ko.

"Meron ba?" Tanung nya.

Umiling ako bilang sagot.

"Pasok na... Baka malate kapa." Pang-uudyok ni Tita sakin bago ngumiti at pumasok ng bahay.

Haizt! Kainis!

Wala talaga akong choice. Napilitan  akong lumabas ng gate at maglakad papunta sa kanto namin. Tulala pa ko nung una pero ng makarating sa kanto inayos ko din ang sarili ko.

Iniisip ko kung maglalakad ako o papara ng jeep na sasakyan. Wala ako sa mood pumara ng sasakyan, tinatamad din akong naglakad.

Eh aanu?!

Nakakabadtrip naman to! Sandali pa kong tumayo ng may marinig akong busina ng sasakyan. Galing sa kotseng nakaparada malapit sakin-----wow! Yayamanin!

Nissan GTR!

Kung mayaman lang ako at marunong akong mag-drive, ganyan ang bibilin ko. Bigla nalang bumukas ang pinto at lumabas ang driver.

Ay may impakto!

Umaano dito to? Bago na naman yung kotse nya. Parang laruan lang yung mga kotse sa kanya, basta sya palit ng palit.

"Bakit andito ka?" Bungad ko sa kanya.

"Sinusundo ka." Mabilis na sagot ng Hari ng mga Ulupong.

Bakit na naman kaya?----stay away from them!

Kusa nalang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Aries. Dapat ko naba silang layuan? Kapalit ng pagkakataon kong maka-usap si Papa.

Bigla nalang may pumitik na daliri sa harap ko, dahilan para magising ako mula sa pag-iisip.

"You're spacing out!" Sabi ni Kiefer.

Magsasalita pa lang sana ako pero bigla nya kong hinawakan sa kamay at parang bata'ng hinatak palapit sa passenger seat ng kotse nya.

"Get inside!" Utos nya sabay tulak sakin papasok.

Grabe tong lalaki na to! Hindi man lang ako bigyan ng pagkakataon kumilos o magsalita. Basta tulak nalang ang luko.

Pagpasok nya sa loob, tinignan ko sya ng masama.

"Maka-tulak ka naman!"

"Tss."

Ay naku! Lakas talaga maka-pisti!

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon