Chapter 44

193K 1.8K 23
                                    

CHAPTER 44

Kinabukasan, ready na sana akong tawagin si Mang Berting para ihatid ako pero laking gulat ko nang nakita ko kung sino ang naghihintay sakin sa ibaba.

"Dylan?"

"Ready?" Nakangiting tanong nito.

"Ha? Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ang girlfriend ko." Nakangiti pa rin sya. Naalala na kaya nya? OMG! Baka naalala na nya!

"Ha? G-girl.. N-naalala mo n-na?" Umaasa kong tanong.

Bumagsak ang balikat nya at napalitan ang ngiti sakanyang mukha. " Hindi pa. I'm sorry."

"It's okay. You don't have to pretend. Let's go?" Yes, he doesn't need to pretend dahil mas masakit ang malaman na nagkukunwari lamang sya.

Nagulat ako dahil nakita ko syang nasa labas ng classroom namin nang lunch time. Pero mas nakakagulat ay iyong may dala syang mga rosas.

"Pwede manligaw?" Diretsahan nyang tanong sakin.

Nalaglag ang mga panga ko sa sinabi nya. What? Anong nangyayari?

"Well, silence means yes." Natatawa nyang sabi habang inaabot sakin ang bulaklak

Nalilito ako sa nangyayari pero hindi ko maikakaila ang kilig and sobrang saya! Nauntog na kaya ang ulo nito kaya natauhan?

Araw araw na ganun ang set up namin ni Dylan. Sa loob ng apat na raw, hatid sundo ako lagi sakanya, tuwing break time naman ay kasama nya rin ako at ang nakakaloka talaga ay every lunch time meron syang bulaklak para sakin! Para talaga syang nanliligaw.

"Your tummy's a bit bulge now." Aniya habang hinahaplos ang hubad kong tyan. Nakaside view ako sa salamin at walang suot na saplot samantalang sya ay nasa likod ko na ganun dun, walang saplot.

Namula ang pisngi ko dahil.. uhm.. katatapos lang namin ulit. Sa loob din ng apat na araw na kasiyahan, kami rin ay araw araw 'naglalambingan'. Blame my hormones!

"Sige na, magayos ka na. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko at ilock ko tayong dalawa dito sa kwarto ngayon. Baka magalala ang OB mo." Natatawa ngunit malambing nitong sabi sakin habang hinahalikan ang leeg ko.

Tumawa lang ako sakanya tapos ay dumiretso na ako papuntang banyo. Matapos kong naligo ay nagbihis na ko agad agad. Oo nga pala, may nakaschedule akong check-up ngayon sa OB ko at kasama ko si Dylan, yep, nagabsent kami para dito.

Parang kelan lang nung huli kong check-up, hindi pa kami okay nun and now, andito na sya ulit sa tabi ko. Maaring hindi pa nya maalala ang lahat pero sigurado akong naguumpisa na rin nyang maramdaman yung pagmamahal.

Agad na natapos din ang check-up. Binati kami ng doktor dahil maganda daw ang takbo ng pagbubuntis ko at wala na dapat ikabahala. Sinabi rin nya na bagay kami at napakaswerte ko dahil supportive ang asawa ko. Kinilig naman ako sa salitang asawa.

"Oh, san na tayo?" Tanong nya bigla habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Mall? Gutom ako eh." Suggestion ko.

"Osige, tapos kung hindi ka pa pagod, magshop na rin kaya tayo ng gamit ng bata?" Aniya na halatang exciTed na exciTed.

"Eh pero hindi pa natin alam kung babae o lalaki. Next check up pa ang ultrasound ko."

"Edi yung pang unisex muna na gamit kunin natin, saka na yung iba." Malawak pa rin ang ngiti nya sa mukha.

"Okay, fine." Natatawa kong sabi.

Gaya nga ng napag-usapan, nagpunta kami sa mall at saglit na kumain tapos ay pintahan namin lahat ng infant stalls sa mall. Grabe! Sandamakmak na baby bottles ang binili nya! Pati mga damit bumili na rin sya. Tawang tawa naman ako sakanya kasi halatang mas exciTed pa sya sakin. Haha. If only we could be this happy forever.

Matapos naming mamasyal ni Dylan ay inihatid nya na ako sa bahay.

"Uh, thanks." Nahihiya kong sabi bago bumama ng sasakyan.

"Ha?"

"For today." Tapos ay hinalikan ko sya sa labi bago tuluyang umalis.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon