Franchelle Angeli Dela Cruz POV

3K 124 2
                                    

Franchelle Angeli Dela Cruz PoV

Hi guys. Siguro naman kilala niyo na ako. Im Franchelle Angeli Dela Cruz at kapatid ko ang abnoy na si Franz Edrick Dela Cruz. Kambal po kami. Mayaman kami pero laging wala ang mga magulang namin. Kaming dalawa lagi ang magkasama. Siyempre magkapatid eh. Pero kahit may pagkabaliw ang kuya ko, love ko parin yan. Magaling sa computers si kuya. Adik na adik yan sa computer eh. Minsan pumasok ako sa kwarto nya at nalula ako sa dami ng computer sa kwarto niya. Nagkalat din ang mga computer parts sa sahig. Nahuli ako ni kuya kaya pinalabas niya ako at sinabing wag ulit akong papasok kasi baka may masira daw ako.

Pasukan na at dahil sa hindi ako isinabay ni kuya sa pagpapaenroll ay nahuli ako dahil may pinuntahan pa ako ng mga oras na iyon kaya ayun sa section 2 ako napunta. Buti nalang at meron sina ate Deb at ate Ace kaya hindi ako OP. Pero sa kamalas-malasan nga naman, ay classmate ko ang apat na abnormal na kaibigan ni kuya. Kung si kuya abnormal, ang mga ito naman ay mas abnormal.

May nakilala akong lalaki, nakaglasses siya at mahaba ang buhok and I don't like him. Ewan ko ba. Mukha siyang mahina at masama. Basta I don't like him. Pero sinabi ni kuya na wag ko daw siyang husgahan kaya naman ginawa ko ang lahat wag lang siyang laitin. Kung hindi niyo alam suplada ako noh.

Nagbigay si kuya ng mga Head Gear para sa laro na New Life Online: Battle Against the Darkness. Hindi ko alam kung saan kumuha si kuya ng pera niya pero sabi niya ipon daw niya. Naglaro kami at may mga beta tester na tumulong sa pagpapalevel namin.

Nagkita-kita na kaming mga magkakaibigan pero sina kuya at Raph nalang hindi namin makita. Napagdesisyonan naming magdungeon at laking gulat ko ng makitang si Raph at kuya ang tinatawag nilang Shadow at Light. Ang lalakas nila at ang bilis ni Raph. Natalo namin ang lvl 70 na boss dahil sa kanilang dalawa. Nagsisi tuloy ako na tinawag ko siyang mahina. May dumating na mga dati naming kaklase. Sina ate Dianne at ate Shannen.

Nakapagtataka lang kung paano nakakuha si kuya ng map papunta sa mga job giver. Kahit ang mga beta tester ay hindi alam kung nasaan ang mga job giver si kuya pa kaya? Tinatanong ko siya lagi kung saan niya nakuha ang mga maps pero lagi niyang sagot ay "secret. Hahaha" napansin ko rin kay kuya na madalas na siyang tumambay sa kwarto niya. Minsan nga eh hindi na lumalabas kaya naman ang tahimik ng bahay.

Na upgrade na ang job ko. Kasabay ko sina ate Deb, kuya Chan, ate Shannen, ate Athena, at ate Dianne. Pabalik palang sana ako sa town ng ma auto warp ako sa town. Nakita ko si Raph na mag-isa kaya sumama ako sa kanya. Nagkaroon ng bagong event na inilunsad ni Gm Ian. Lahat nagkanya-kanyang party. Tutal wala naman akong kasama kaya naman nakipagparty nalang ako kay Raph. Umalis kami sa Town at pumunta sa isang lake. Nagtaka ako kung bakit sa lake. Biglang nagdive si Raph kaya naman napilitan akong sumama sa kanya. Pero nagulat ako ng may kweba sa ilalim ng tubig. Dalawa ang daanan. Pinapili niya ako kung saan ang gusto ko. Siyempre sa right ang pinili ko. Pero sa kamalas-malasan nga naman ay na trap kami. At hindi lang yun, may kalaban pa kaming dalawang epic na dragon. Wala na kaming magawa kaya naman nilabanan na namin sila. Nakakabilib siya dahil kaya niyang sabayan ang dalawang dragon. Nakuha namin ang kanilang kapangyarihan ng walang napapatay. Iba siya mag-isip. Kaya niyang magobserba sa paligid kahit nasa critical siyang sitwasyon. Wala akong masyadong naitulong pero napasa akin ang Sky dragon's power at ang Sky Dragon Slayer na title. Nagkaroon din ako ng egg. Naglevel din ako at parehas na kami ni Raph sa tingin ko lang. Mataas ang hiding skill nito kaya di ko makita ang level nito.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero masaya ako kapag kasama ko siya. Tama naman si kuya sa sinabi niya sa akin. I shouldn't judge him by his looks, but by his attitude. Nakalog-out na ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko ba, feeling ko ang saya-saya ko. Kaya naman nakatulog ako ng may ngiti sa labi.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon