Chapter 36: Patrick

3.6K 128 1
                                    








~*~















(Dennis POV)















Napakaamong mukha. Mga mata na puno ng emosyon. Mayroong balingkinitang katawan at ang puso nya na puno ng pananabik sa pagbabalik ng mga pumanaw na.

Hindi ko maiwasan mapahanga sa angking kagandahan ng babaeng nasa harapan ko ngayon habang mahimbing na natutulog.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa t'wing malapit kami sa isa't isa.

Isang pakiramdam na ubod ng gaan sa aking kalooban.

Ang mga ngiti at tawa, ang mga iyak at pagkatakot. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ko sya gustong angkinin. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong narito lamang sya sa aking tabi.

Bahagya akong napailing at napatampal na lamang sa aking noo. Tumayo na ako sa pagkakaupo at inayos na ang kumot na nakapatong sa katawan ng babaeng nagpapagulo sa utak ko.

Tama na ang pangangarap Dennis. Tama na rin ang pagtitig sa maamong mukha ng dalagang iyan.

Hinalikan ko na lamang sya sa noo bago lumabas sa kanyang silid at pumaroon muna sa balkonahe.

Tinitigan ko ang aming bayan. Ang bayan na isinumpa noong unang panahon pa lamang.

Magiging masaya kaya si Cashmere rito sa piling ko? Sa lugar na ito. Sa lugar na isinumpa. Sa ibaba, dito sa Undrello?

"Mukhang may bumabagabag ata sa aking anak." Puna ng aking ina nang makatabi na sya sa aking pwesto at malaya ring pinagmasdan ang lugar.

"Ina, kung sakali mang mapapasaakin si Cashmere, sa tingin nyo po ba, magiging masaya sya rito? Rito sa piling ko?"

"Anak ko, talagang binata ka na." Ngiting sabi ni Ina. "Ngunit alam mo naman na hindi kayo ang nakatadhana para sa isa't isa. Hindi mo sya kasintahan alam ko. Hindi sya magiging higit na masaya sa piling mo kaysa sa lalaking nakatadhana sa kanya."

Tama sya. Hindi nga ako ang nakatadhana kay Cashmere. Ngunit ano itong pakiramdam na ito na bumabalot sa aking puso?

Para akong sinaksak ng isang daang beses. Hindi nga sya para sa akin.

"Lilipas rin yan. Dadaan ang mga araw at aalis na rin rito si Cashmere at yun rin ang panahon na makikita mo ang babaeng nakatadhana para sa iyo anak ko." Sabi ni ina bago nya tinapik ang aking balikat.

"Salamat ina."

Niyakap nya ako ng mahigpit ngunit agad ring napahiwalay sa akin bago ngumiti ng matamis.

Nagtataka naman akong tinitigan sya sa kanyang mga mata. Anong nangyayare?

"Naririto na sila. Naaamoy ko ang kanilang presensya. Naririto na ang nakatadhana sa iyo anak. Napaaga naman ata masyado." Natatawang sabi ni ina bago tumikhim. "Malalim na ang gabi, magpahinga ka na muna."

Sinunod ko na lamang ang aking ina kahit na naguguluhan.

Masyado pang maaga para magkilala kami!










**














(Patrick's POV)












Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon