22

20 2 0
                                    

Shin's POV

"Ikaw Shin, hah. 'I don't need a boyfriend' ka pang nalalaman dyan eh wala pang dalawang buwan kayo na." Natatawang sabi ni Blake sa 'kin at sinimangutan ko siya dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Hindi na ako nakaligtas sa pang-aasar nila, I'm just literally done.

"Pake mo? Nagmamadali ako eh." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Bawal ka pa magboyfriend wag kang ano dyan!" Sabi niya at napatingin ako sa kanya nang seryoso.

"Hala, oo nga, pano yan?" Tanong ko sa kanya at medyo natahimik naman siya.

"Aba malay ko, problema ko ba 'yan? Ginusto mo 'yan eh." Sabi niya sabay patong ng paa niya sa lamesita dito sa sala ng bahay niya.

Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay niya, mag-eenroll na kasi dapat kami ngayon sa DVU, kaso na enroll na pala kami ni Zsa-Zsa last week pa, kaya tumambay na lang ako sa bahay niya kahit ang laki niyang kulugo.

"Pero wait, pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. Kahapon lang naging kami ni Kris, si kuya Jin lang ang taong nasa bahay non at feeling ko hindi niya rin alam. So, paano?

"Masyadong proud sayo si Kris at pinalitan na yung nickname namin ni Miere na Brother-in-law at may numbering pa." Sabi niya at pinakita sa akin yung screenshot ng picture na may mga nickname nila kuya at napailing ako.

"Ganyan ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Who knows? Wala pa kong sineseryoso na girlfriend." Sabi niya sabay kindat sakin.

"Eh wala ka naman talagang naging girlfriend, puro fling lang yun eh." Panunumbat ko sa kanya at isinubo naman sa akin ang isang dakot ng popcorn kaya muntikan na akong mabulunan.

"Grabe ang sakit mo magsalita." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya.

"Truth hurts, bitch." Sabi ko sabay sapak nang malakas sa braso niya.

"Kapag ako may sineryoso, who you ka sakin." Nakangisi niyang sabi at tinawanan ko lang naman siya. As if.

"Bakit kasi ayaw mo pang ligawan si Brigitte? Pakipot ka pa eh." Natatawa kong sabi sa kanya at agad naman niya akong nilingon.

"What?" Taas kilay niyang tanong habang hindi gumagalaw.

"Obvious naman, so wag ka na mag-deny." Sabi ko at umimom ng iced tea.

"Mind your own business, Shin." Natatawa niyang sabi.

"Nangingielam ka samin ni Kris, tapos sa inyo bawal ako makielam?" Natatawa ko ring tanong.

"Kris is my friend." Sagot niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Brigitte is my best friend." Pagbabalik ko sa kanya ng sinabi niya sa 'kin.

"Ayan mga ganyan kayo! Hindi niyo kami niyayaya!" Sabi ni kuya Jonas habang pumapasok mula sa pinto kasunod sila kuya. Isama na natin yung ibang player ng Cute Pandas at sila Delanxe.

"Anong ginagawa nila rito? Saka bat sama-sama sila?" Mahina niyang tanong sakin habang nakatingin kay Brigitte.

"Aba malay ko, magkasama tayo rito diba?" Masungit kong sagot sa kanya. Sometimes it really shows how dumb blake is.

"Hi Ganern!" Sabi ni Kris sabay upo sa tabi ko at nagtinginan naman yung mga tao sa amin.

"Tumigil ka nga!" Sabi ko sa kanya sabay layo sa kanya.

"Asan si Jin?" Tanong ni Blake dahil siya lang ang wala saming magkakapatid.

"Busy sa anak niya." Sagot ni kuya Trace at napangiti ako.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon