Chapter 115

902K 36K 21.5K
                                    

Author's Note: Eto muna, before christmas meron na. Mga Dec. 23 or 24... Pasinsya na!

Christmas War

Jay-jay's POV

Malapit na ang pasko. Ang lamig ng simoy ng hangin. Para'ng lovelife ko lang.

Hindi ako bitter o anu. Naisipan ko lang talaga'ng ikumpara yung lamig ng hangin.

Pero sa totoo lang, hindi ko maramdaman yung lamig na yun. Siguro kasi dahil sa pawis ko at sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ikaw ba naman ang makipaghabulan, tignan ko kung hindi ka pagpawisan.

"Anu?! Kala mo kaya mo kami'ng lahat?!" Mayabang na sabi sakin ng pinuno ata nila.

Sino'ng sila? Yung mga lalaki'ng bigla nalang ako'ng hinarang sa kanto namin. Akala ko magtatanung lang sila pero hinawakan nila ko.

Natakot ako bigla, akala ko kasi mauulit yung kay Ram dati. Napilitan ako'ng lumaban at ng makakuha ng pagkakataon mabilis akong tumakbo.

Yun nga lang na-corner nila ko sa isang eskenita. Lumaban pa rin ako, sa abo't ng makakaya ko.

Tatlo na!

Tatlo na yung napabagsak ko pero ang sakit na ng kamao ko. Ngayon ko lang napatunayan na ang tagal ko na pala'ng hindi nakikipag-away.

Mabilis ng kumikirot yung kamao ko kapag nanununtok ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pagod na yung katawan ko at ang dami nila.

Asar!

"Sumama ka nalang samin... Hindi ka naman namin sasaktan. Tatanungin ka lang namin tungkol kay Keifer." Mapang-asar na sabi nung isa.

Eto na naman po tayo!

Ganyang ganyan din yung kay Ram. Jusme! Wala akong balak ulutin yung pang-yayari na yun. Matinding troma ang naranasan ko dun.

"Ayoko!" Sigaw ko.

"Matigas ang ulo mo! Ha?!" sabi nung isa at bigla nalang nanguha ng tubo sa kung saan.

Shit!

Never pa kong nakipag-away ng may tubo. Anu'ng laban ko dyan? Tang'na! Katapusan ko na ata.

"Miss... Tara na." Mahinahon na sabi nung isa sa kanila.

Unti-unti kong binaba yung kamao ko na kanina pa naka-porma sa harap ko. Bahagya'ng lumapit sakin yung huling nagsalita sa pagkaka-akala'ng sumuko na ko.

Pero agad ko sya'ng sinapa sa muka. Bagsak at dumudugo na ang ilong nya.

Apat na!

"Tang'na!" Sigaw nung isa pa sa kanila.

Bigla nalang sumugod yung may tubo at hinataw yun pahampas sakin. Agad akong umiwas at ng makakuha ng pagkakataon, sinikmuraan ko sya.

Bagsak at wala sya'ng tigil sa pag-ubo.

Lima na!

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Oo, nakikipag-away ako sa mga lalaki dati pero hangang tatlo lang ang kaya kong harapin.

Ngayon lang ako lumaban sa mahigit  sa tatlo.

Lahat sila nakatingin sa mga kasama nila na kung hindi nakaluhod sa sahig ay nakahiga naman at hirap tumayo.

Naririnig ko yung phone ko sa bag. Malamang hinahanap na ko nila Ci-N. Ngayon ang christmas party namin sa resto nila Eman.

Yun ang dahilan kaya nasa kanto ako at nag-aabang ng masasakyan.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon