Dream Goddess (Bonus Chapter)

835K 25.9K 7.1K
                                    


Dream Goddess

Nasaan ako?!

Napatingin ako sa kapaligiran. Nandito ako sa isang silid. Sa bintana ay tanaw ang kalangitan. Madilim at halos walang bituin sa langit. Ni hindi ko makita ang buwan.

Tiningnan ko ang mga palad ko at napapikit ako.

Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko.

Anong nangyayari?! Bakit nawala ang kapangyarihan ko?!

Hindi kaya...?

"Kumusta na, mahal na Prinsesa Celeste?"

Napalingon ako bigla sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ko. Hindi ko halos maaninag ang mukha niya dahil madilim ang silid na kinaroroonan ko. Pero kitang-kita ko ang bagay na hawak niya dahil nagliliwanag ito.

May hawak siyang isang itim na dream catcher.

Nandito ako sa mundo ng mga mortal..

Ang mundo kung saan pag pinuntahan ng kahit na sinong mga taga-Tala ay mawawalan ng kapangyarihan dito.

"S-sino ka?! Paano ka nakakuha ng ganyang mahika?! Bakit mo ako dinala sa mundo ng mga mortal?!"

"Hindi mo ba talaga ako naaalala, mahal na prinsesa?"

Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa maaninag ko na nang buo ang mukha niya.

Hindi maari...

Iba na ang ayos ng buhok niya. Mukha na siyang mortal ngayon. Ngunit kilalang-kilala ko pa rin ang itsura niya.

Hindi ako pwedeng magkamali.

'Yung mga ngiting 'yun. 'Yung mga matang 'yan.

Yung nakakaakit niyang itsura.

Hinding-hindi ko makakalimutan.

"Orion..."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "Ang tagal kong hinintay na dalawin mo ako sa mundo ng mga mortal matapos mo akong ipatapon dito, Celeste. Nainip na ako kaya ikaw na ang dinala ko rito."

Mas dumoble ang bilis ng tibok sa puso ko.

Si Orion. Ang lalaking nagtaksil sa Tala. Isang high elf na muntikan nang nakawin ang kapangyarihan ng Tala.

Ang high elf na ipinatapon ko sa mundo ng mga mortal upang hindi na makapanakit ng kahit na sino.

Ang lalaking minsan kong minahal ng palihim...

"Bakit mo ako dinala rito?!"

"Hmm, bakit nga ba?" unti-unti siyang naglakad palapit sa akin habang ako naman ay umaatras palayo sa kanya.

"Masyado akong maraming gustong gawin sa'yo, prinsesa. Hindi ko lang maisip kung ano ang uunahin ko."

"Hindi ako natatakot sa'yo."

Ngumiti ulit siya ng malawak, "Talaga? Pero bakit unti-unti kang umaatras sa bawat paghakbang ko papalapit sa'yo? Baka nakakalimutan mo na dito sa mundo ng mga mortal, wala kang kapangyarihan."

Napasandal ako sa dingding habang si Orion naman ay iniharang ang braso niya sa gilid ng ulo ko.

Sobrang lapit niya.

Halos hindi ako makahinga sa kaba.

"Dito sa mundo ng mga mortal, kung pisikal na lakas lamang ang tangi mong magagamit, matatalo ka sa akin. Wala kang kawala, Celeste."

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko," mariin kong sabi sa kanya.

"Ipagpaumanhin mo, prinsesa. Pero kailangan mong magbayad ngayon."

At unti-unti niyang hinawakan ang leeg ko.

~*~


Don't miss Princess Celeste's story...

"Goddess of Dreams"

Soon!

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon