Chapter 39

48 6 3
                                    

KAYLE

I tried to calm myself even when my tears are building up in the sides of my eyes.

Why did he lie?

Nilakasan ko ang loob ko at dahan-dahang naglakad papalapit. Sigurado, hindi nila ako napansin. Masyado silang natutuwa sa isa't isa, tawa pa nang tawa si Cal.

I felt my heart twinged.

Ang sakit.

Alam ko namang may rason 'to eh. Pero ano? Ano 'yon at nagawa ni Cal na magsinungaling sa akin?

Naglakad pa ako at nang ilang na lang ang layo ko, biglang hinila ni Cal si Crystal at niyakap ng mahigpit.

That's when he saw me, and his eyes widened.

Nabitawan ko ang dala ko at tumakbo, tumakbo nang tumakbo.

Tumakbo papalayo sa lugar na 'yun. Palayo sa kanila. Palayo sa kaniya.


Dinala ako ng mga paa ko sa kalsada at papara na sana ng sasakyan nang dumating si Logan.

"Kayle? Kayle!" hinila niya ako at tiningnan. "Why are you crying?"

Niyakap ko siya ng mahigpit, at umiyak nang umiyak.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse niya.

"Drive me home, please," sabi ko sa gitna ng mga iyak ko.

Tumango siya at hindi ko na nakita pa ang reaksiyon niya.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.

Ang sakit sa pakiramdam.

Betrayal.

I didn't care what Logan thinks, masyado nang masakit para isipin ko pa ang iisipin ng ibang tao. Ang alam ko lang, nasasaktan ako, nasasaktan ako ng sobra dahil sa isang taong mahal ko ng sobra.

"He lied," I mustered to say. I know he's confused.

"Who?" tanong niya.

Tiningnan ko siya, habang namumugto ang mata. "Cal."

He shook his head and I saw his fist clenched.

Pagdating namin sa bahay, sinamahan niya ako papasok sa kwarto, takot na baka bigla na lang akong matumba.

Umupo ako sa kama at sinabihan ko siyang samahan niya muna ako kahit saglit.

He silently sat beside me, while I'm calming myself.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ko, hanggang sa namumula na ang mga ito.

"Kayle," he reached for my hand.

And that's when I broke down.

I hugged him really tight.

"It hurts so much."

He hugged me back, and it felt just right.

I cried, and cried.

"He told me... he will be late... but then... I saw him," dahan-dahan kong sabi habang humihikbi.

"I saw him..."

"Sshh, 'wag mong pilitin ang sarili mo na ikwento lahat, just cry everything first. I will listen," he said in a very gentle voice.

That made me cry even more. "I saw him with Crystal," banggit ko at napapikit ang mga mata.

I felt his hand caressing my hair suddenly curled into a fist.

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon