Special Chapter

29.5K 1.1K 241
                                    

Inayos ko ang gusot sa suot kong puting blouse at fitted jeans nang makita kong pababa na ng hagdanan ang ama ko. Sadya ko s'yang hinintay dito sa may courtyard dahil gusto ko s'yang makausap nang masinsinan.

"Can I talk to you?" pormal kong salubong sa kanya kaya medyo nagulat pa siya.

"Savannah, uhm... of course," aniya nang makahuma. "Let's go to the office."

"No," mariin naman akong umiling. "D'on tayo mag-usap sa libingan ni Noura."

He was surprised pero tumango pa rin. He led the way to his car at tahimik naman akong umupo sa shotgun seat.

Wala kaming imikan hanggang sa narating namin ang isang napakalaking building sa may west side ng bayan. It was a gated building with a big dome in the middle. Maayos din ang landscaping na para bang pinag-isipang mabuti. May mga red roses pa sa paligid.

Agad akong bumaba nang huminto ang kotse sa harap mismo ng building na kulay krema.

"This is the Gerhardt mausoleum. Lahat ng mga may Gerhardt blood sa lineage natin ay dito nakalibing," explain sa akin ng ama ko saka nagpatiuna na sa pagpasok.

He opened the huge iron door na may grill design at napasinghap ako sa nakita.

The floor was marble with gold, white and purple design. Napakalawak n'on na may parang balkonahe na nasa loob. Sa dingding makikita ang mga marmol na lapida na uniformed pa at maayos na nakahilera.

Pero may napansin ako.

"For a very old vampire clan, konti lang yata ang mga nandito," komento ko.

"Immortals, Savannah," sagot naman ng ama ko. "Nandito ang mga ninuno natin na namatay sa mga labanan o kaya ay 'yung mga mas pinili na mamatay at 'wag mamuhay nang habang-buhay."

"So may iba pa tayong kapamilya?"

Tumango siya. "Marami pa. Older brothers of Orpheus, younger siblings too. Their children. Wala sila dito sa Graviville. Nakakalat ang angkan natin sa iba't ibang panig ng mundo. Pero dito pa rin ang bagsak nila oras na mamatay sila."

I see. So dito rin ako hihimlay balang-araw dahil hindi naman ako imortal.

"Doon tayo," turo niya sa itaas na bahagi kaya umakyat kami sa magarbong hagdanan. Ang balkonaheng ito ay nakapalibot sa buong mausoleum at hinaharangan lamang ng iron handrail na kulay itim.

Huminto kami sa harap ng isang lapida at agad akong nalungkot nang mabasa ko ang nakasulat doon.

Noura Natalie Gerhardt.

Nakasulat din doon ang taon ng kapanganakan at pagkamatay n'ya. Twenty-four. Ang bata pa kung tutuusin lalo na sa isang immortal being na katulad nila.

I touched the marble headstone and smiled bitterly.

I'm sorry I wasn't able to save you, Ate. Sayang hindi kita lubos na nakilala. If only we had more time together then for sure, we would have had a good relationship. Mabait ka kasi.

Pinunasan ko gamit ang aking kanang kamay ang ilang luha na kumawala sa mga mata ko.

Sayang talaga.

Salamat na lang sa konting panahon na nakilala kita. Masaya ako na naging kapatid kita.

Huminga muna ako ng malalim upang pigilan ang aking emosyon saka ako humarap sa ama ko na namumula na rin pala ang mga mata.

"Savannah, I'm sorry sa nagawa ko sa inyo," garalgal ang boses na sabi n'ya. "I had to be with them. Akala ko... A-Akala ko kakayanin ng Mommy n'yo."

Pilit akong ngumiti sa kanya. Nasaktan ako, oo, pero alam kong mas nasaktan s'ya. Bilang ama, nahati ang puso n'ya. He made a big mistake to his first family and to us pero tapos na 'yun. Hindi ko na maibabalik pa.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon