~36~ Online Stalking

166K 4.4K 918
                                    

~36~ ONLINE STALKING

 

CHLOE’S POV

First week of April. Medyo hectic ang schedule ko. Una, wedding chuvaness ni Kaye Anne. Hindi ko na ieelaborate ang nangyari sa mga nagdaang araw. Basta, ang masasabi ko lang, kahit na missing in actions ang mga bestfriends ko, hindi ko naman hinahayaan ang sarili ko na mabored.

“Chloe, ano ba ‘yang ginagawa mo?”

“Interior design po ng pad ko.”

“Pad? At kailan ka pa nagka-pad?”

“Momsie naman po~ Future pad ko yan.”

Ilang araw na ba ang nakalipas simula nang nangyari sa amin ni Dustin? Hmm, more than a week na rin yata. At dahil, ayokong maging bitter, ginugol ko nalang ang oras ko sa pagdodrawing ng design ng pad ko kuno. Ayaw naman akong payagan ni Momsie na magsarili eh… Wala na nga naman si Kuya dito sa Pinas, pati ba naman ako lalayo sa kanya? May point naman siya dun. Hindi ko yata kayang mag-isa.

“Oh, kain lang ng kain,” nilapag ni Momsie yung potato salad na ginawa niya kaya ayun, nilantakan ko na agad. “Lumalakas ang kain mo, Cha. Nagpapataba ka ba?”

Nginitian ko lang si Momsie. “Kapag bakasyon talaga, Momsie, masarap kumain. Walang magawa eh.”

“Oo nga naman. Nga pala, Chloe, bakit ‘di na nagagawi dito ang boyfriend mo? Ni hindi ka yata lumalabas kasama niya lately.”

At dahil sa tanong ni Momsie, nabilaukan ako. Automatiko ba namang bumara yung kinakain ko sa lalamunan ko eh. Halos maluha-luha na ako habang umiinom ng tubig. Shemay! Ang hirap ma-choke!

Nung maayos na ako, saka ko tinignan si Momsie. Obviously, hindi niya alam na break na kami ni Dustin. Ayoko lang sabihin sa kanya. Maybe soon masabi ko, pero hindi muna ngayon. Ayokong sabihan niya ako ng; ‘See? Dapat si Warren ang pinili mo’ o ‘Kaya pala may kakaiba sayo. Brokenhearted ka pala’. Mga ganun. Judgemental pa naman ang aking nanay. Ayokong pinapamukha sa akin na sawi ako. Gusto ko, easy easy lang. Chill chill lang… :3

“Momsie, huwag mo na nga pong isipin yun… Nga pala, ang sarap po ng luto mo!” Pag-iiba ko ng topic. Ngumiti naman siya na parang kinikilig. “Hindi po ba uuwi sina Dad dito ngayong summer?”

“Uuwi yun. Basta sabi niya ngayong April ang uwi niya.”

“Nice~ Pakisabi po, pasalubong ha?!”

“Ikaw talaga. Syempre, magdadala yun. Magfamily reunion tayong Mendez clan eh…”

Puro chikahan lang kami ni Momsie habang kumakain ng miryenda. In fairness, nadadalas na nga ang pagkain ko. Madalas na kasi akong ginugutom. Enebeyen. Tataba yata ako ngayong summer.

“Hi po!”

Nilingon namin ang bumati. Uh, si Warren pala. May dala-dalang Tupperware. Ano kaya ang dala niyang pagkain this time? Palagi kasi siya nagdadala ng pagkain dito. Kung hindi siya ang nagluto, yung Mommy naman niya. Well, sanay na kami. Ganyan daw kasi sa probinsya. Bigayan ng ulam.

“Oh, Warren, napadaan ka?” Si Momsie.

“Pinabibigay po ni Mama. Fresh from the oven… Apple Pie,” pagkasabi niya nun ay tinanggal niya yung takip ng Tupperware. Naamoy ko tuloy yung bango ng Apple Pie. Yum. “Masarap po yan… Si Mama ang nagluto eh.”

“Wow…” 

“Mukhang masarap nga.”

Dahil at home naman si Warren sa bahay namin, umupo na siya sa tabi ko. At ayun, sinimulan na naming tikman yung dala niyang pagkain. In fairness, masarap nga. Sa sobrang sarap nga, nagreklamo pa si Momsie na bitin. Si Momsie talaga >.<

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon