~37~ The City Of Pines

158K 4.6K 743
                                    

~37~ THE CITY OF PINES

 

CHLOE’S POV

Gaya ng napag-usapan, after lunch kami pumunta ni Warren sa bus terminal. Good for 4 days ang dala kong gamit kasi yun ang bilin sa akin ni Warren. Syempre, as being gentleman, siya na rin ang nagbitbit ng bag ko. In fairness, wifi on board nga… At ;di lang yun, may LED screen pa. Hindi nga ako mabobore nito sa byahe.

30 minutes na rin kaming bumbyahe. Nung una, nakatingin lang ako sa bintana. Pinagmamasdan ko yung dinadaanan naming lugar, pero eventually, na-bore ako kaya nilabas ko nalang ang tablet ko at nag-online sa facebook. Si Warren? Ito, nasa tabi ko, tulog na. Parang kanina lang, nanunuod pa siya ng movie. =______=

Wala pang five minutes, may nag-pop up na sa chatbox ko. Napa-huh? nalang ako nang makitang si Wayne ito. Oohh, ang alam ko, kasama niya sina Kaye Anne sa Italy. Makamusta nga.

---

Wayne: Hi, Chloe. :)

Me: Hi Wayne, musta sa Italy? ^.^

Wayne: Ayos naman. Namamasyal sila ngayon. Naiwan naman ako dito sa apartment namin. Ikaw? Balita ko nasa Baguio ka?

Me: Huh? Paano mo nalaman?

Wayne: Status update. LOL

Me: Oo nga pala. OTW pa lang =) Kasama ko si Warren.

Wayne: Naks. Anong gagawin niyo dun?

Me: Bakasyon at aattend ng binyag…

---

Naramdaman kong gumalaw si Warren kaya tinignan ko siya. Tumingin din naman siya sa akin tapos bumulong siya ng ‘bakit?’ kaya nagkibit-balikat ako.

“Anong ginagawa mo? Gusto mong kumain?” Tanong niya.

“Busog pa ako. Later nalang. Ka-chat ko si Wayne,” sagot ko at binalingan ko na ang tablet ko. Nabasa ko yung reply niya sa akin; Saan kayo mag-i-stay dun? May maliit na hotel dyan ang pinsan ko. Baka gusto niyong magstay dun… Isang tawag ko lang, discounted na kayo.

Oohh, baka wala pa kaming pag-i-stay-an dun. “Uhm, Warren, saang hotel pala tayo mag-i-stay?”

“Hindi ko pa alam eh. Bahala na dun. Marami namang pagpipilian dun.”

Pinakita ko sa kanya ang tablet ko. “Sabi ni Wayne, discounted daw tayo kapag dun tayo mag-i-stay sa hotel ng pinsan niya. Dun nalang kaya tayo?”

Tumango naman siya agad. “Pwede. Itanong mo kung anong address. Baka maligaw tayo…”

“Sige…”

---

Me: Sure, thanks, Wayne. Bait mo talaga. =)) Saan ba yan?

Wayne: Meron silang service. Kapag nagpabook ka ng reservations sa kanila, may free service na magsusundo sa inyo sa airport o sa terminal.

Me: Ay, talaga? Sige. Yun nalang. XD

---

Buti nalang may suggestion si Wayne. Mukhang hindi mabigat sa bulsa ang pagpunta namin sa Baguio. :)

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon